PROLOGUE

817 41 5
                                    

Notes: My story is unedited so please bear with me. I'm not like a professional writer with professional skills. If you want something perfect? Well this story is not for you. But if you are determined to learn from this story, you can move forward.

***

Dali-dali akong bumangon dahil sa parang hinahalukay ang sikmura ko paakyat sa aking lalamunan. Nakarating ako sa banyo at agad na sumuka sa sink. Wala naman akong sakit pero bakit ako nakakaramdam ng ganito?

"A-Ah! Argh!" Dahil sa malakas na ingay ang ginawa ng aking boses ay rinig ko ang boses ng mga katulong.

"Megaleiótita eísai kalá?!" Ani ng babae na tinatawag na Lady-in-waiting. Tinatanong niya kung ayos lang ba ang nararamdaman ko.

"A-Ayos lang ako," utal na anas ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Sa itsura pa lang ng mukha ko ay para akong sobrang na-stressed kahit wala naman akong gaanong ginagawa. Bumuga ako ng hangin sabay napapikit. Alam ko na ang dahilan.

"Buntis ako, Desha."

"A-Anong sinabi mo, Mahal na Reyna?"

"Buntis ako," pag-uulit ko at tinignan siya sa salamin.

"P-Pero paano?" Nagugulat pa niyang tanong kaya napapikit ako ulit.

"Paano ba ginagawa ng dalawang tao para mabuntis ang isa, Desha?"

"A-Ang ibig kong-"

"Magpatawag ka ng doctor. Kailangan ko malaman ang kalagayan ng anak ko at kung kailan pa ako nagdadalang tao," utos ko at tinalikuran siya upang lumabas ng banyo.

Lumipas ang bawat buwan ng paglaki ng tiyan ko ay mabilis na kumalat ang balita dito sa buong Greece na nagdadalang tao ako. Laman sa diyaryo na buntis ako pero wala silang ideya kung sino ang ama na dinadala kong anak. Ultimo pati ang Royal Council na nagtatanong sa akin ay wala silang nalalaman na sagot. Dahil alam ko na ang nananahimik na Yuhence na may pamilya na ay dadayuhin ng mga tauhan ko para tumungo sa pilipinas upang makasagap lang ng balita.

"Poios se ékane énkyo, Megaleiótitá sou," tanong ulit ng Royal Council kung sino ang nakabuntis sa akin. "He needs to take responsibility for the child you're carrying. It would be damaging to your reputation if you don't reveal who the father is."

Nandito kami ngayon sa sala ng Athens kung saan mas pinili ko na dito mag-usap. Hindi naman din ako ganon kabastos kaya nakaupo siya habang kasama ang nilalayon. Intendant, a title given to a high-ranking official or administrator.

"Kailangan pa ba ng ama para lang mabuhay ang aking anak?" seryoso kong tanong sa kanila. "O kailangan nandito ang ama ng dinadala kong bata upang hindi masira ang aking imahe sa mga mata ng tao sa Greece?"

"I megaleiótitá sou den eínai étsi," magalang na sabi ng isang Intendant na sinasabing hindi ganon ang punto.

"However, this is my final decision. As I promised the Royal Court and the distinguished leaders of other nations, like myself, I will have a child with the heir to the throne. Therefore, you need not concern yourselves with the child's father, as he will not be my successor." sabi ko na ikinatahimik nila. "If you're worried about my reputation, I'm not concerned. I don't care what rumors spread about me anymore. The only thing that matters is raising my child well. That's all I need to find happiness in my life."

Lumipas pa ang ilang buwan ay maayos kong nailabas ang aking anak na lalaki. Parang isang bituin ang aking anak dahil sa kanyang mata. Sandali ko lang nasilayahan ang kislap ng mata ng aking anak dahil umatungal na siya ng iyak. Kaya doon ko na din biglang nabanggit ang kanyang pangalan.

Lua Amaris Sul. The Moon of Child.

"Alam mo ba na maraming hinanakit ako naramdaman sa mga dumaan sa buhay ko, Lua. Ngunit dumating ka lang parang naglaho lahat, dahil sa mga ngiti mo ay nawawala ang sakit na nararamdaman ko," sabi ko habang kinakausap ang anak ko na mahimbing na natutulog.

Nakatapat ang kanyang kuna sa bintana na makikita ang kaliwanagan ng gabi pati ang bilog na buwan. Naaaninag nang liwanag ng buwan ang mukha ni Lua kaya napapangiti ako.

"Ngayon pa lang anak ko ay hihingi ako ng paumanhin sa 'yo dahil nang lumabas ka ay walang ama na sa tabi mo para pakinggan ang matinis mong boses na umiiyak. Ang ama mo kasi ay masaya na sa kanyang sariling pamilya," nakangiti kong sabi pero nandon ang luhang tumulo sa dalawang mata ko. "Your father is happy with someone else, Lua. Masaya na siya sa ibang pamilya na binuo niya. M-Masaya naman ako dahil meron akong ikaw, pero napapaisip ako na baka balang araw ay hanapin mo ang iyong ama."

Hinaplos ko ang makinis na pisngi ni Lua habang natulo ang aking luha. Hindi ko maiwasan na hindi maisip si Yuhence kung bawat segundo ay lagi siyang napasok sa utak ko.

"Sana pag-dumating ang araw na maghanap ka ng ama Lua sana hindi ka magalit sa ama mo. Dahil ako naman din ang may kasalanan kung bakit siya naghanap ng iba dahil iniwan ko siya na walang paalam," dagdag na anas ko pa sa aking natutulog na anak. "Sana anak pag alam mong umalis ang mahal mo ay matuto kang hintayin siya. Dahil ganon ang pagmamahal. Ganon ang pagmamahal."

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon