05

297 25 0
                                        

Bumalik muli kami ni Azi sa loob ng Athens upang maisagawa ang plano namin. Hindi ko alam kung ikakaganda ba iyon sa Athens dahil sa gagawin kong pagtanggi. At ngayon ay magsisinungaling pa ako at gagamit ng ibang tao upang hindi lang maituloy ang kasalan na magaganap sa darating na panahon.

Bakit kasi kailangan pa nila kaming ipagkasundo? Maaari naman nila kaming suportahan sa gagawin namin sa aming buhay hindi iyon pati desisyon namin ay kailangan sila pa rin ang masusunod. Kailan kaya ako mamumuhay ng normal? Yung walang sumusunod na mga tao sa aking likuran, yung simple lang ang suot at hindi lagi nakasuot ng gown sa buong maghapon. Yung walang kasalan na magaganap na hindi mo naman nais na mangyari. At ngayon ay gagamit ako ng tao na hindi ko naman kailangang gawin dahil kasalanan na rin iyon.

"Are you ready?" Bulong ni Azi at napatingin ako sa kanya.

"I guess? Baka ikasuklaman nila tayo sa gagawin nating pagtanggi."

"No, don't say that."

"Just support my opinion."

"Kailangan na natin pumaroon sa lamesa dahil may kainan na gaganapin habang nag-uusap sa plano na gagawin sa atin."

"S-Sige," ani ko.

Nang makarating na kami sa hapag kainan ay namatahan na namin ni Azi ang mga magulang namin na nakaupo at masayang nag-uusap. Ako naman ay hindi magiging masaya sa gagawin nila na ipagkasundo kami sa isa't isa. Lumapit kami ni Azi at sabay kaming yumuko bago kami paupuin sa upuan. Magkatabi kami ni Azi habang ang mga magulang namin ay magkatapat. Mahabang lamesa ang narito at marami din pagkain na animo'y may kaarawan na ipinagdiriwang.

Napatingin ako sa magulang ko na kasalukuyan na nakatingin din sa akin na may ngiti din sa kanilang mga labi. Paano nila nagagawang ngumiti na ganyang kaganda habang ako naman ay nalulungkot dahil ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko naman gusto?

"Maybe we should start now telling them what we talked about, Megaleiótate," ani ng ina ni Azi.

Bakit nila tinatawag na Megaleiótate ang aking mga magulang kung pareho lang naman sila ng katayuan? Parte siguro ng pagbibigay galang.

"Bago 'yan humingi muna tayo ng maiinom," ani ng aking ama. "Cup-bearer."

"Tóra tha ypakoúso epísis, to megaleío sas," sagot ng Cup-bearer na sinasabi ay kanyang agad na susundin ang pinag-uutos ng aking ama.

Nagsalin na siya ng wine sa mga baso ng aming mga magulang. Pero kami ni Azi ay pareho lang tahimik sa upuan, hindi pa rin namin ginagalaw ang aming pagkain.

"Why you two have not touched your food yet?" tanong ng ama ni Azi.

Nagkatinginan kami ni Azi at tinanguan niya ako parang sinasabi na kumain na ako. Hindi na ako nagsalita pa dahil sinimulan ko na ang pagkain pero ang mga tenga ko ay nakikinig lang sa pinag-uusapan nila.

"Maganda siguro kung ang lahat sa ibang bansa ay dadalo sa itinakdang araw para sa ating mga anak?" presinta ng ina ni Azi at sinagot naman iyon ng aking ina.

"Iyon nga din ang plano na aming gagawin ni Amynkor. Para naman masilayan nila na parehong masayang nagsasama ang ating mga anak."

"Lovely."

Ngayon pa nga lang ay hindi na ako magiging masaya.

"Cup-bearer, pakisabihan si Gentleman Usher na ilabas ang kremang tinapay ngayon din." Utos ng aking ama sa sarili naming wika.

"Nai to megaleío sas."

Sana naman ay hindi na sila gumawa ng hakbang upang gawin ang lahat para lang maikasal kami sa isa't isa. Hindi naman ako papayag na gawin iyon sa akin dahil hindi pa ako handa para diyan. Wala nga rin akong alam kung ano ang pagmamahal at kung paano tumayo bilang asawa ni Azi. Pareho naman kaming tutol ni Azi maiintindihan naman nila siguro iyon.

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon