01

593 33 4
                                    

"Are you sure you're going to the Philippines?" my father asked.

Hinahanda ko na ang mga gamit ko patungo sa Pilipinas. 22 years old naman na ako kaya alam ko na ang mamuhay na hindi kasama ang mga magulang. Hindi naman din sila pwedeng sumama sa akin dahil hindi sila pwedeng umalis nang basta-basta rito sa Greece. Marami silang ginagawa rito pero dahil ako lang ang kaisa-isa nilang anak ay sinusuportahan nila ako.

"Don't worry about me, Dad. Besides, I know how to speak tagalog at alam kong ikaw rin. Naroon naman si Apollo alam kong hindi niya ako pababayaan," nakangiting sabi ko.

"Eísai tóso athóos," sagot ni daddy para mapanguso ako. Ang sabi niya kasi ay napaka-inosente ko pa. Kasalanan ko ba?

Hindi ko naman rin kasalanan kung inosente ako, ito ang unang araw na makakalabas ako sa tahanan namin. Ito ang una na masisilayan ko ang labas ng Greece. Ito rin ang una na makakalabas ako at tutungo agad sa Piilipinas. Matagal akong naabando rito sa bahay namin, halos dito na nga ako nag-aaral. Home schooled. Lahat nga ng libro rito halos nabasa at kabisado ko na, pinaulit-ulit ko na nga lang dahil wala na akong ibang mabasa. Hindi iyon mga love story or romantic, dahil lahat ng iyon ay tungkol sa mga Greece at sa mga nunu-nunuan namin. Pero 'yong iba naman doon ay tungkol sa mga medication at sa mga kagamitan ng hospital kung paano ginagamit o para saan ginagamit. Kaya gusto kong mag-doctor.

Sa home school ko ay hindi lahat ay itinuturo sa akin ng guro ko, tinuturuan niya lang ako kung paano umakto at maging magalang sa mga bisita. Dahil sa sinabi ko sa daddy ko pati kay mommy ay gusto kong mag home school study, ayoko ng home study na about sa mga tradition dito sa Greece namin. Kaya talaga ako naging inosente dahil hindi man lang ako nilang magawang dalhin sa mga malalaking school dito.

Ang dami kong hindi alam sa mga bagay-bagay. Masyado pa raw hilaw ang pag-iisip ko kaya napaisip ako, kailan pa naging hilaw ang pag-iisip ng isang tao?

"What do you know about things in the Philippines, Amethyst?" dagdag pa ni daddy.

My father's name is Amynkor Constantine Sul and my mother's name is Reina Violet Sul. I'm supposed to call my dad 'Megaleiótate' instead of just daddy because it's considered disrespectful. The same rule applies to my mom, but they prefer to be called mommy and daddy. However, when we have important guests from other countries, I call them Megaleiótate.

"Mabilis naman po akong matuto," ani ko.

"I mean hindi mo alam ang mga lugar doon," dagdag na rason pa niya upang hindi lang ako matuloy sa pag-alis ko papuntang Pilipinas.

"Katulad nga po ng sinasabi ko ay naroon si Apollo."

"Your cousin is busy, Amethyst. And for sure ulila pa iyon sa kapatid niyang si Artemis."

Natigilan ako sa sinabi ni daddy. Si Artemis ay kapatid ni Apollo na namatay sa brain cancer. I was 16 and she was 19. She only visited me once when I was 10, along with their family They also lived in Greece for about a year and a few months. After that, no one else came to visit again. Sila lang ni Apollo at Artemis ang pinakaclose ko sa lahat ng mga pinsan ko, dahil yung ibang mga cousins ko ay talagang inabuso ang kanilang katayuan.

Pero hindi pa din talaga ako makapaniwala na namatay si Artemis. Sobrang sakit din para sa akin dahil nakakabigla. Nalaman ko lang iyon kay daddy at mommy pero hindi namin magawang pumunta sa Pilipinas upang makiramay dahil nga rito sa Greece.

"Oh natigilan ka?"

Tumingin ako kay daddy. "Naisip ko lang po si Artemis."

"Sorry."

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon