Hating gabi na kami nakarating ni Yuhence sa kanyang sinasabing bahay. Masyadong malaki at masyado rin maganda ang pagkakadisenyo. Hindi masyadong pangit sa mata ang kulay ng kisame at nakakasigurado rin na ako na mamahalin lahat ng kanyang kagamitan na nandito sa loob ng kanyang bahay. Nakakahanga dahil ang ganda at ayos ng mga gamit sa paligid.
"Sino gumawa ng bahay na ito, Yuhence?" tanong ko habang tumitingin sa paligid.
"Yuhence Won De Vera," sagot niya kaya napatingin ako sa kanya ng deretso. Ayon na naman ang pagngisi niya na nakakapanghina ng damdamin ko.
"Seryoso ka?"
"I'm serious."
"Sabi ko nga ikaw," pagsuko ko at muling binaling ang paningin sa paligid.
"Are you tired? Do you want to rest?"
"S-Saan mo ba ako patutulugin?"
"Sa kwarto," sagot ni Yuhence at nilagay ang isang kamay sa kanyang bulsa.
"Ha? Ano... Sige, Yuhence," nakangiting anas ko at bahagya siyang tumango.
"Let's go?"
Nauna si Yuhence na maglakad patungo sa hagdanan, mula sa likod ay grabe din ang pagkakagusot ng kanyang polo. Grabe naman. Ganyan ba magtrabaho ang isang engineer? Nagugusot ang polo? Bakit ako kapag nagtatrabaho ay maayos pa rin ang kasuotan ko at hindi kailanman nagusot. Hindi ata maingat si Yuhence o masyado ba syang malikot? Paano ba siya magtrabaho? Nakahiga ba? Nakadapa? Nakatagilid?
"Dito ang kwarto mo and this is my room," turo niya sa magkatapat lang na pintuan.
Hindi ako sumagot, ang paningin ko lang ay nasa pintuan at wala kay Yuhence.
"Pahinga ka na," dagdag pa ni Yuhence na ikinatingin ko sa kanya.
"Sige," mahinang anas ko at binuksan na ang pintuan. Muli ko pang tinignan si Yuhence at pilit na ngumiti sa kanya. "Good night, Yuhence."
"Sweet dreams," sagot niya.
Hindi na ako sumagot, sinarado ko na ang pintuan at pinindot ang lock bago sumandal doon. Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Bumigat ang pakiramdam ko. Ano ba kasi ang iniisip ko? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumuga muna ako ng hangin bago tumungo sa kama at binagsak ang katawan ko doon. Nakatingin lang ako sa puting kisame at pinapakiramdaman ang sarili ko kung inaantok na ba ako, pero parang hindi pa. Hindi pa ako nakakaramdam ng antok.
"Hindi talaga ako makatulog!" mahinang anas ko at nagpagulong-gulong sa malaking kama. Tumingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang aking mata. "2 AM na. Bakit ba hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok?"
Pilit naman akong pumipikit pero sadyang ayaw pa ng mga mata ko. Hindi pa ako dinadalaw ng antok ko, anong oras na pero hanggang ngayon ay gising pa din ako. Hindi ko malaman kung bakit ako ganito ngayon. Dahil ba siguro sa naiisip ko kanina kay Yuhence?
"Bakit ba kasi ganon ang itsura ng polo ni Yuhence?" mahinang tanong ko sa aking sarili. "Ibang-iba kasi tala—ay palaka!"
Napasinghal na lang ako sa gulat dahil sa sunod-sunod na katok na nagmula sa labas ng pintuan. Ang ganda na nang aking pagmumuni pero biglang may eeksena sa moment ko. Anong oras na bakit may nakatok pa din ng ganitong oras? Agad akong tumayo sa pagkakahiga sa kama upang tumungo sa pintuan at buksan kung sino ang tao doon. Bakit ko pa kailangan alamin kung sino ang tao doon sa labas ng pintuan kung alam ko naman kung sino. Kami lang naman dalawa ang tao dito kaya syempre ay papasok sa isip ko na si Yuhence ang nandoon sa labas.
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romansa"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...