"Amethyst!" bigla akong napalingon sa likod na marinig ko ang boses ni Apollo.
"Apollo," tinapik ko ang kanyang likod nang tuluyan niya na akong mayakap.
"I can't believe you're finally back, Amethyst. I missed you so much!" dagdag pa niya sabay nagbaba ng tingin sa nakahawak sa palad ko na bata. "Hey, little one."
"Hi, Tito Apollo."
Napangiti ako sa antig na tono ni Lua dahil sa kanyang pagbati sa pinsan ko. Mahigit limang taon akong nawala at ang aking anak ay apat na taon na ngayon. Tinignan ko siya nang buhatin siya ni Apollo, nakikipagkulitan na sa pinsan ko.
"You're now a big boy, Lua."
"Am I, Tito?"
"Of course, ang bigat mo na rin ngayon," bahagyang inalog ni Apollo si Lua upang matawa ito.
Sinundo kami ni Apollo rito sa airport dahil ngayon ko naisipang bumalik. Hindi ko naman din kasi kayang manatili roon sa Greece dahil sa nangyari sa aking magulang, kahit saan ako tumingin ay naaalala ko ang presensya nila.
Habang binabaybay namin ang daan patungo sa dati kong bahay dahil doon ko manatili muli. Isa iyon sa bigay ng magulang ko. Sabi pa ni Apollo ay lumipat daw ako ng bahay kaso hindi ako pumayag, sa dating bahay ko ang pinili ko para samin ni Lua. Habang nakatingin ako sa daan ay hindi ko maiwasan na hindi maisip si Yuhence, hindi naman siya nawala sa isip ko.
"How is he, Apollo?" tanong ko sa pinsan ko upang lingunin ako sandali at muling tinuon ang mga mata sa daan. "Is he doing well?"
"He's fine, cous. Mukhang ayos na siya... ngayon," pahinang-pahina sabi ni Apollo.
"I see," I nodded and looked away.
Nakatulog si Lua habang nabiyahe kami kaya payapa akong nakapagtanong kay Apollo. Dahil sa tuwing may naririnig siyang ibang bagay, sobrang curious niya. Hindi niya ako titigilan hanggang hindi nakukuha ni Lua ang sagot na gusto niya.
"Kung sakaling magbago ang isip mo na humanap ng bagong bahay, I'll help you," muli akong napatingin kay Apollo dahil sa sinabi niya. "If... if you're not comfortable living there, ililipat kita agad sa bago niyong tutuluyan ng anak mo."
Alam kong bukod pa riyan ay may gusto siyang sabihin, sadyang ayaw lang niya ako biglain. Komportable naman ako sa dati kong bahay, dahil kagaya ng sabi ko ay isa ito sa bigay nila Mommy at Daddy. Kaya ayokong i-abando o ibenta ang bahay ko. Nang makarating na kami sa bahay ay pinag-aralan ko muli ang itsura noon nang makababa ako ng sasakyan.
Dito kita iniwan, Yuhence. Napabugtong hininga ako sa naisip ko dahil muli kong naalala ang gabi na iniwan ko siya. Nakakatawang isipin na ang kapal ng mukha kong bumalik pa rito kung saan ko iniwan ang mahal ko.
"Dadalhin ko muna si Lua sa kwarto mo," sabi ni Apollo nang tumabi sa akin buhat na ang anak ko.
"Sige."
Nang makapasok na kami ni Apollo sa loob ay tumungo muna siya sa kwarto ko para mailagay si Lua sa kwarto. Nagawa niyang palinisan ang bahay ko kaya may mga bagong gamit na di pamilyar sa akin. Nilibot ko ang aking mata sa palagid bago napako ang mata ko sa sofa.
D'yan namin ginawa si Lua.
Bigla akong napapikit sa naisip ko. Sa dami ng p'wede kong maalala, sa sofa pa talaga. Ano at laman pa rin ng utak ko si Yuhence? Dapat hindi ko na siya iniisip dahil masaya na siya, okay na siya.
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...