06

277 24 4
                                    

"Sayang naman hindi ko naabutan 'yong amethyst sky," nakangusong sabi ko.

Kaunting oras na lang papalubog na yung araw, pero parang ayoko pang umuwi gusto ko pang manatili rito. Sabado naman bukas kaya siguro mga 2 PM ko na lang bubuksan 'yong clinic ko. Malakas ang hampas ng tubig sa mga bato at wala na rin akong nakikitang araw dahil tuluyan na itong lumubog.

Nilabas ko ang cellphone ko pati na rin ang earphone ko. Gusto kong makinig ng mga kanta upang malibang ako, wala na kasi ako matititigan dahil wala ng liwanag mula sa kalawakan.

"Bihira na lang siguro ako makakapunta rito dahil kailangan kong tumutok sa clinic ko. Lalo na at kailangan din ako sa hospital kapag may manganganak," ani ko habang inaayos ang earphone. "Ayan, okay na."

Pumili muna ako ng kanta at napangiti ako na tumugtog na iyon. Bahagyang tumango-tango ang ulo ko dahil sa ganda ng kanta na naririnig ko. Hindi ko na rin mapigilan ang hindi sumabay sa malamig na himig ng kanta.

Mga ilang kanta pa ang napakinggan ko sa aking cellphone bago ko tignan ang wrist watch ko. Hindi ko rin namalayan na 10 PM na pala ng gabi, pero sadyang wala pa talaga ako sa planong umuwi ng bahay. Gusto kong umuwi pero parang ayaw ng puso ko. Alam niyo yon? Ang weird lang.

"Ang daming mga bituin," ani ko habang nakatingala sa madilim na kalawakan. "Lahat sila kumikinang sa kagandahan."

Lumaki ang mata ko dahil nasilayan ko na may dumaang shooting star, nag-ingay ang mga taong nakaupo rin sa malalayo dahil tulad ko ay nakita rin nila iyon. Agad akong pumikit upang magsabi ng hiling. Hiling na hindi ko alam kung matutupad.

I hope someday I'll find a man who will love me truly.

Agad akong dumilat na maisip ko na ang hiniling ko. Hindi ko alam bakit ko yon naisip pero napangiti naman ako dahil sa ganda ng kantang naririnig ko mula ngayon. Kaya muli akong tumingala sa kalawakan, narinig ko na ata ito noon na kinanta ng isang babae na kasama ni Yuhence.

(Title: KLWKN by Music Hero)

"Tanaw pa rin kita, sinta, kay layo ma'y nagniningning. Mistula kang tala sa tuwing nakakasama ka," pagkanta ng musika.

Agad na lang akong napatingin sa gilid ko dahil may kumuha ng isang earbud sa kabilang tenga ko. Ganon na lang ang pagbilis ng puso ko dahil sa lalaking katabi ko ngayon. Nakatingala din siya sa kalawakan habang nakalagay ang earbud ko sa tenga niya. Yuhence? Anong ginagawa niya dito?

"Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay. Oh, kay sarap sa ilalim ng kalawakan, samahan mo akong tumitig sa kawalan."

"It's rude to stare," biglang sabi ni Yuhence sabay tingin sa akin. "Hey there, Softy? Sa susunod naman magsabi ka sa akin kung aalis ka para naman hindi ka magmukhang bastos?"

"B-Bastos ba ang ginawa kong hindi pagsabi ng paalam sayo? Pero nagbigay naman ako ng habilin kay Apollo na sabihin sa 'yo na umalis ako."

"Nasabi niya sa akin," malumanay na sagot niya at nag-iwas ng tingin.

Tinignan ko si Yuhence pati ang suot niya. Ganon pa rin. Nakaputing suit siya at puti rin ang pants kaya ang linis niya tignan sobra, may rosas din mula sa isa niyang dibdib.

"Ano pala ang ginagawa mo rito? Hindi ba kasama mo lang ang girlfriend mo kanina?" Ani ko at tinignan niya ako.

"What? Do you think she's my girlfriend?"

Under An Amethyst Sky Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon