"Cous!" masayang tawag ko kay Apollo nang makarating na ako sa bahay ko.
"Amethyst!" patakbo akong sinalubong ni Apollo sabay yakap sa akin nang mahigpit. "I miss you."
"I miss you too," nakangiting sagot ko.
"Kailan ka lang dumating? Tamang-tama bumili rin ako ng pizza," ani ni Apollo at umupo na kaming pareho sa sofa.
"Kanina lang," ani ko at kumuha ng pizza sabay kain.
"Wow? Buti pinayagan ka nilang makaalis sa Greece?" Natawa ako sa tanong ni Apollo.
"Bakit naman hindi?"
"Pero mabuti na iyon dahil makakasama kita," nakangiti niyang sabi at ngumiti rin ako.
"Ano pala ang pinagkakaabalahan mo, Apollo?" tanong ko sa kanya.
"Sa totoo lang may binabantayan akong kapatid ni Vanz na babae. Lahat kami ng mga kaibigan namin ay binabantayan siya dahil nasa peligro ang buhay niya."
"Edi alisin niya ang buhay niya sa peligro."
"Pilit siyang umaalis pero sadyang sinusundan siya ng peligro."
"Kawawa naman. Kailan kaya malulutas yan?" nakangusong sabi ko.
"How about you, cous? Since you're planning to stay here in Philippines, what's the other thing you want to do? Panigurado may gusto kang gawin," tanong sa akin ni Apollo habang kumakain ng pizza.
"I want to be a doctor, Apollo." Nakangiting sabi ko.
"Wow? Hindi ko inaakala na gusto mo pala maging doctor."
"Me too! I can't imagine nga rin, e. Nahumaling kasi ako sa mga nababasa ko roon sa Greece tungkol sa mga medication."
"That's nice."
Marami pa kaming napag-usapan ni Apollo tungkol sa pananatili ko rito sa pilipinas. Meron pa ay minsan nagiging inosente ako kapag hindi ko alam ang isang bagay ay sinasagot ko sa malayong sagot. Hindi lang talaga kasi ako familiar sa iba't ibang bagay na nababanggit niya.
"Hey, where are you going?" Apollo came to my house again. Hapon na pero pinuntahan pa niya ako rito.
"Sa MOA," nakangiting anas ko.
"Bakit ka naman pupunta doon?"
"May im-meet akong friend ko."
"Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan dito, Amethyst? Kahapon ka pa lang nandito," kunot noong sabi niya.
"Kahapon ko lang din siya nakilala pero mabait naman siya, Apollo. Brokenhearted nga lang," ani ko at pinatunog na ang sasakyan ko. Pagkauwi ko pa lang kagabi rito sa bahay may kotse na pala na binili si daddy para sa akin. "Kung dito ka matutulog Apollo may extra key ako riyan sa ilalim ng paso."
"I'm going to stay here with you for a while. Kaya umuwi ka before 8 PM kasi sabay tayong kakain. Wait a minute, do you even know how to go there?" Nakataas na kilay niyang tanong habang nakapamewang pa sa gilid ng kotse ko.
"I do! Tatawagan na lang kita kung sakaling maligaw ako."
"Basta umuwi ka lang ng 8 PM."
"Okey-dokey," ngiting sagot ko at sumakay na sa sasakyan ko upang tumungo na sa MOA.
Bago ako tumungo sa seaside ay tumungo muna ako ulit sa shop na pinagbilhan ko ng Boba Tea, pagtapos ay tumungo na ako sa seaside. Kung sakaling doon siya muli pumewesto ay doon ko siya pupuntahan, at hindi nga ako nagkakamali. Naroon ulit si Yuhence naka-pwesto sa pinag-upuan namin kagabi at may hawak siyang gitara.
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...