"Bakit ka pala nandito rin sa Baguio, Doc Leander?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Nandito kami ngayon sa kotse ni Doc Leander, hindi ko din alam kung saan ba niya ako dadalhin. Pero ang alam ko lang ay gusto kong makaalis sa lugar na iyon kung saan ko nasaksihan si Yuhence at Meerah na magkahalikan. Pero ano naman ang karapatan ko para magdemand sa ginawa nilang dalawa? Wala akong karapatan.
"Nagkataon din kasi na dito ang medical mission namin. I want to enjoy myself alone but I saw you."
"Nakita mo ako kaya mo ako nilapitan?"
"Yes? You know, watching them kiss was a little... intense. But, at least you're not the one who's going to have to explain to their parents why they're making out in public," nakangisi niyang sagot.
"Ewan ko sa 'yo, nakuha mo pa akong biruin."
"Who knew you were such a fan of public displays of affection? Did that make you jealous?" natatawa niya pang dagdag sa akin, inaasar ako.
Bumuga ako ng hangin at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa biro ni Doc Leander. Parang nakikita ko pa din ang nakita ko kanina sa mall. Bakit ko ba ito nararamdaman? Bakit si Yuhence ang nagpaparamdam nang ganitong kirot mula sa aking puso? Hindi ba gusto ko lang siya? Gusto ko lang naman siya pero bakit ako nasasaktan? Ibig sabihin ba ng nararamdaman ko ay unti-unti ko nang minamahal si Yuhence? Pareho ba kami nang nararamdaman? O hindi?
"I see," sabi ko upang lingunin ako ni Doc Leander.
"What?"
Naguguluhan ko siyang nilingon. "A-Ano?"
"You said 'I see'? Are you talking to yourself?"
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya upang makaiwas sa kanyang tinatanong.
Alam ko kasi na hahaba ang usapan naming dalawa kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit ko kinakausap ang sarili ko. Para akong napapagod na magsalita kahit alam kong wala namang nakakapagod sa tanong ni Doc Leander.
"Babalik na tayo sa Maynila."
Nagulat ako sa sinabi ni Doc Leander. Bakit na kami babalik sa Maynila? Hindi naman siya ang kasama kong tumungo dito sa Baguio upang bumalik na kami doon agad-agad. Sabi niya may medical mission pa siya? Bakit ganito na lang ang kanyang binibitawan na desisyon?
"Nakakabastos naman ang gagawin kong biglang pagbalik sa Maynila na hindi nalalaman ni Yuhence," napapahiyang anas ko.
"Edi sasamahan ka namin magpaalam."
Kumunot ang aking noo. "Sinong namin? May iba ka pa bang kasama, Doc Leander?"
"Yes! Si Vien."
Napabilog ang aking bibig dahil sa sagot na ibinigay ni Doc Leander sa akin. Paanong nangyaring kasama niya si Vivienne sa medical mission na nandito ginawa sa Baguio.
"Doctor na si Vien, kaya kasama ko siya," dagdag pa ni Doc Leander.
"Parang gusto ko tuloy siya makita."
"Gusto mo ba sumama na lang sa medical mission?"
Napaisip ako sa tanong ni Doc Leander sa akin. Gusto kong sumama pero iniisip ko si Yuhence dahil hindi niya alam na umalis na ako sa bahay niya para tumungo sa medical mission. Mas maganda pa rin 'yong magpapaalam ako sa kanya para malaman niya na may mahalaga akong gagawin. Para sa ganon ay madali ko na lang siya mapapayag na makaalis sa bahay niya.
"Ihatid mo muna ako sa bahay ni Yuhence. Ibigay mo na lang sa akin yung address sa lugar kung saan ninyo isinasagawa ang medical mission," pilit ngiting sagot ko at bahagyang tumango si Doc Leander.
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...