CHAPTER 20

8 2 0
                                    

A/N: Minsan lang ako mag-a/n kaya hello hahaha, keepsafe pinkwings, how's your christmas?  Late update palagi si author kaya aym sorry, mataba na si author kaya mabagal na ahehehehe. Keepsafe, always drink your wotah!

Hello, Gabriela myloves.

----
Jhustin's point of view:
Pagkatapos kong magayos ng gamit ay nahiga na ako sa kama at inaantay na bumusina ang sasakyan ni Yuhence, galit ba sya?

Umalis na din si Kuya para sunduin si Hera, sanaol. Alam kaya ni Kuya Brytan na may jowabels na ang Kuya Makoy? Owemji, sanaol.

*BEEP BEEP*

Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko si Yuhence na papunta na dito, nasa harap ng kotse nya ay kotse ni Jiro at Kuya. Parang may kung ano sa loob ko na kumukulo na diko masabi nung makita ko sya, baka gutom lang 'to.

Binuhat ko ang maleta ko pababa ng kama at iginuyod na pababa, nakita ko si Yuhence na kausap si Papa, pero nung matunugan na nilang pababa na ako ay nagngitian nalang sila.

Tinulungan ako ni Yuhence sa maleta ko at inilagay nya sa backseat katabi ng pang isang linggo nyang gamit hahaha.

Tahimik ang naging byahe namin sa loob ng kotse dahil kami lang dalawa.

"Kumain kana? May pagkain ako ditong dala, nagdrive thru ako kanina" aniya habang sinserong nakatingin sa rutang tinatahak ni Jiro na s'yang nasa harapan namin.

"Uhm, medyo gutom na'ko pero hayaan mona pagdating nalang" sagot ko atsaka kinuha ang phone ko, kinuha nya yun sa akin pero nakatingin padin sya sa daanan.

"Makukuha mo cellphone mo kapag kumain ka, may Jollibee spag dyan may rice and chicken din kung gusto mo yun, may coke at sundae din" saad niya pa atsaka binulsa ang cellphone ko.

Kinuha ko katabi ng gamit nya ang pagkain, rice w/ chicken ang kinuha ko pati sundae at isang coke.

"You want" tanong ko sakanya tinignan nya sandali yun pero tumingin sya uli sa daanan, alam kong gutom na sya dahil kanina kopa naririnig tiyan nya.

"Ahh" itinapat ko sa bibig nya ang isang kutsarang kanin at manok, hindi sya makasubo dahil nagd-drive sya kaya susubuan ko nalang. Ngumanganga sya atsaka ngumuya, ngumiti lang ako at pinanood sya.

"Yum?" tanong ko, tumango lang sya at ngumiti ng sandali pero bumalik din sa seryosong hitsura. Eto naman talaga sya bat ako magtataka?

Ng makalahati na ang kinakain namin ay umayaw na sya, pinainom ko sya, pero, nung nakainom nako napansin ko'ng pareho kami ng straw na ginamit, iwww Yuhence's salivaaaaa over my mouth iwwyyy!

"Take a nap first, malayo pa naman tayo" saad nya atsaka lumiko ng direksyon. "Is it okay?" tanong 'ko naman atsaka sya tinignan, ngumiti sya at tumango, "I miss your smiley face" wala sa sariling saad ko, namula ang pisngi nya na syang ikinatuwa 'ko. Hinayaan 'ko nalang kainin ako ng antok habang sinasaulo ang bawat ngiti na ibinibigay nya sa akin sa 'twing magkausap kami.

I can't believe this, a bad boy is now a good boy, oh damn.

Caliber Yuhence's point of view:
Sya na yung hinahanap ko pero may iba parin dito sa'kin na nalulungkot ako, siguro dahil di nya'ko maalala, na hindi nya maalala na ako yung lalaking kakampi nya sa lahat noon.

Habang natutulog sya, tumitingin ako ng saglit sa mukha niya. Mukha syang anghel, sya padin talaga si JB.

Habang patuloy ako sa pagmamaneho naalala ko yung sinabi ni Tito kanina.

"I think she's fallin' inlove with you" saad ni Tito atsaka tinapik ang braso ko, ngumiti nalang ako sa'kanya.

"..And I know you already know who is she, I saw you the way you look at her" dagdag nya gulat akong napatingin sa'kanya.

"..You missed her right? Take care sa byahe nyo, I know that mind won't remember but heart always do"

"Do your heart still remember me?" bulong ko sa sarili at tumahimik nalang.

Ilang oras din ang byahe namin dahil traffic. Tumawag na din sa'kin ang Kuya Brytan nya nang malaman na ako ang kasama nya sa kotse.

"Bernielle" tinapik ko ang braso nya pero malalim padin ang tulog nya. Hindi ko sya magising. Hinayaan ko nalang muna syang matulog sa kotse.

Pagkababa ko nagsisi-unat ng katawan ang mga kasama namin, "Si Jhustin?" tanong ni Hera, "Natutulog pa e, hinayaan kona muna" sagot ko naman atsaka lumapit na sakanila.

"Uhm guys, 3 kwarto lang ang meron 'tong beach house namin." napalingon kami nang magsalita sa 'di kalayuan si Jiro.

"Uhm, so kami nalang nina Tristan ang sama sama sa kwarto, then--"

"Yuhence-ah wae nal kkaeuji anh-ass-eo" malakas na sigaw ang binungad sa amin ng bagong gising na si Bernielle.
Yuhence-ah wae nal kkaeuji anh-ass-eo? [Yuhence why didn't you wake me up?]

"Sorry" inilapad ko ang kamay ko, tumakbo naman sya at niyakap ako na syang kinagulat ko, sana lagi nalang syang bagong gising.

"Ehem" napa-ehem nalang ang kuya nya, umalis ako ng yakap pero di sya kumalas, nakapikit padin sya. Tinignan ko si Mcreid, nilingon din sya ni Hera, napa-okay-fine look nalang sya.

"Uhm, alam nyo na nun, dahil etong apat ang natitira, sakanila yung dalawang room na natitira pa." pagkabigkas nito ay umalis na sya, sinundan ni Tristan, Nico at Jescate.

Sumunod na din ang lovebirds, si Jake ang naiwan dito, tinignan nya'ko ng masama atsaka palakad-takbong lumapit sa Lovebirds.

Akmang maglalakad ako ng hilahin nya ang sleeve ko. "nal delyeoda jwo nan geol-eul su eobs-eo pigonhae" nakapikit padin sya habang sinasabi iyon, bumaba ako ng kaunti para makasakay sya sa likod ko. "Sakay" utos ko, kahit nakapikit ay nagawa nya pading sumakay sa likod ko.
nal delyeoda jwo nan geol-eul su eobs-eo pigonhae: [carry me please I can't walk, I'm tired]

Ipinakuha ko nalang sa kasambahay ang mga gamit namin sa kotse, gulat ang mga tao sa loob ng bahay nang makitang pasan pasan ko si Bernielle, nagawa kona 'to dati sakanya anong tinitingin tingin nyo dyan? Hahaha.

"Beagopa" bulong nya sakin, ginulo ko ang buhok nya at naglakad na paakyat ng kwarto namin.
Beagopa: [I'm hungry]

Dahan dahan ko syang ibinaba sa kama, kinumutan kona din sya. Binuksan ko ang aircon at inayos ang mga gamit namin.

Charger..Makeups..Shirts.. Panjamas.. Panty and bra's (why did I make pakialam with this? Gosh) SHORTSSS???!?!????.. (she not able to wear this habang magkasama kami)

Pagkatapos 'kong ayusin ang mga gamit namin, kinonect ko ang cellphone ko sa bluetooth speaker na dala 'ko.

Now Playing : I like you much and you'll know it.

"I like your eyes you look away and you pretend not to care" sinasabayan ko ang kanta kasabay ng pagisip ko sakanya. Kahit medyo nakakapikon sya--

"I'm inlove with you and now you know" naramdaman kong may nakayakap sa akin, tinignan ko ang braso nito at nasisiguro ko nang si Jhustin ito dahil sa payat nyang kamay.

"I'm inlove with you" bumulong sya sa akin na syang nagpatindig sa mga balahibo ko.

She's inlove with me?

THE BAD BOYS PRINCESS [ONGOING]Where stories live. Discover now