CHAPTER 31

5 0 0
                                    

A/N: Missing my readers hays, I'm slowly loosing y'all because of my late updates, bare with me huhu I have some modules to finish at time that's why I can't update too active, high school days is so exhausting.

Jhustin Bithiah Bernielle's point of view:
Mabilis akong nagkunwaring nakarecover na dahil gusto 'ko na talagang pumasok, hindi rin ako sanay na panay ang higa lalo na kung sa hospital bed.

Pagka-discharged sa akin ay madali akong dinala ni Daddy kay Tita Kristine, or should I say Mommy Kristine, dalawa na ang Mommy 'ko bet!

"Tao po" katok ni Daddy sa gate, malaki ang bahay at pawang mga italian structures ang naririto. Maya maya'y lumabas si Ate Mina kasama ang maid nila.

"Titoo!" masayang bungad nito sa amin pagbukas ng gate, nakipagbeso si Daddy sa'kanya at ganon rin naman ako, pagpasok namin ng bahay ay nagmamahalang gamit ang tumambad sa mga mata 'ko, inilibot 'ko ang mata 'ko at ang laki ng bahay, sa gitna nito ay may chandelier pa.

"You can visit here anytime, I'll tour you hihi" bulong sa akin ni Ate Mina atsaka ako iginiya papunta sa garden, sa bandang dulo malapit sa pool 'ko nakita ang aking Ina, nakatingin sa kawalan na para bang pasan niya ang buong problema sa mundo.

"Mom, may bisita 'ka" tawag pansin na boses ni Ate Mina, napalingon sa amin si Tita Kristine dahilan para kumaripas sya ng takbo papunta sa akin atsaka ako yinakap.

"Are you already okay? May masakit pa ba sayo?" tanong niya sa akin at pilit tinitignan ang bawat parte ng katawan 'ko. "I'm okay" maikling sagot 'ko. "You still mad ttal?" tanong niya sa akin atsaka ako niyakap.

"I can't be mad at you, you're still my Mom. Yes I'm mad because you dared to kill my father and my Mommy Juliana, but you've learned your lesson now, aren't you?" tugon 'ko sa'kanya. "I'm sorry, honey. I didn't mean to do that" aniya atsaka mas lalong humigpit sa yakap sa akin.

"I understand, Mom" halos hindi 'ko marinig ang buong paligid ng tawagin 'ko syang Mom. Parang sa pakiwari ko'y ngayon palang ako nagkaron ng Ina kahit kasama ko naman parati si Mommy Juliana.

Pagkauwi namin ng bahay ay umakyat na ako sa kwarto pero may narinig akong kaluskos kaya bumaba ulit ako, pero pagbaba 'ko wala sila Dad.

"Hyung" sigaw 'ko sa bawat sulok ng First floor. Nagdesisyon na akong umakyat at harapin ang kung sino mang hakdog na nasa kwarto 'ko. Kinuha 'ko ang walis tambo atsaka hinawakan ang pinakatambo nito, matigas ang hawakan kaya kung sino mang tamaan nito ay paktay! Boom pilay! Sabayan pa ng malakas na hampas 'ko nakuuuu!!

Pinihit 'ko ang door knob, then boOoOoOoOoOoOooOgshhh

"SURPRISEE!!!!!!!!!" Malakas na sigaw nila Kuya, may mga tarpaulin sa gilid na Welcome Home Princess. at mga lobong nakakalat sa sahig.

"Warangya, akala 'ko magnanakaw na" saad 'ko atsaka binitawan ang tambo at tumakbo sa mga Kuya 'ko. "I miss you, Hyungs" saad 'ko, hinigpitan nila ang yakap sa akin at naramdaman ko naman ang sabay na paghalik nila sa ulo 'ko.

"Lespartiiii!!" sigaw ni Jake.

K I N A B U K A S A N
"Shining, Shimmering, Splendid morning kapatid, may pasok bumangon kana" panggising ni Kuya sa akin. "5 Minutes" sagot 'ko atsaka nagtalukbong ulit ng kumot. "Oh sige pagantayin mo si Yuhence ah?" pagantayin mo si Yuhence.

"Nasa baba sabay daw kayong pumasok" napabalikwas ako ng higa atsaka nagunat unat para maligo.

"Good morning sunshine" bati 'ko sa'kanila pagbaba 'ko, lumingon lingon ako pero wala si Yuhence.

"Ayon naman pala, si Yuhence lang pala makakapagpabangon sayo sus kain na" umisnob ako kay Kuya Brytan atsaka umupo na. "Good morning our sunshine and ray of happiness" bati ni Dad atsaka ngumiti sa akin. "Momoning"

Pagkatapos kumain ay madali kaming sumakay sa sasakyan ni Kuya Brytan. "Be good Jhustin, ayokong mabalitaan ulit na nakikipagsagutan ka kina Bubbly ba yun?" ani Kuya Brytan. "Bubbly Bea Bolopag" sagot 'ko. "Bbb" patawang ani Kuya Makoy.

Pagbaba ng sasakyan ay dumiretso na si Kuya Makoy sa building nya, kaya magisa akong naglalakad ngayon, puro bulungan ng tao ang naririnig 'ko.

"Gosh, diba yan yung muntik mamamatay?"
"Karma sana"
"Grabehan ha, gusto ko din ata mamatay para magustuhan ni Yuhence"

Tumigil ako sa harap ng huling nagsalitang babae. "Gusto mo mamatay bago ka nya magustuhan? Sige akong papatay sayo bago ka nya magustuhan" umirap ako atsaka naglakad papunta sa classroom.

Nakita 'ko si Star na prenteng nakaupo sa teachers desk.

"Here comes the pathetic princess, ang prinsesang dapat kaawaan ng lahat, you want a tiara? Sure I'll give you, kawawa ka naman kasi. By the way, buti nabuhay ka pa? Dapat umalis kana sa school na 'to puro kamalasan ang dala mo, alam mo buti nalang hindi ako sumunod sainyo nun kase baka pati ako napahamak, kasama ka pa naman e number one kang black cat sa buhay ni Yuhence" tinignan 'ko sya dahilan para mapitlag sya sa pagsasalita.

"Sa dami ng sinabi mo isa lang ang isasagot 'ko sayo" saad 'ko atsaka lumapit, "Putangina mo, dami mong kuda" ani 'ko atsaka tumalikod ng batuhin nya ako ng crampled paper.

"Buti talaga hindi ka sumunod samin dahil una magmumukha kang stalker, pangalawa magsasama kayo ni Mica. Pathetic bitches na pinipilit patumbahin ang kagaya 'ko" saad 'ko atsaka sya hinarap. "Kung crampled paper lang ang kaya mong ibato sakin, pwes halika dito" hinila 'ko ang buhok nya dahilan para magulat ang mga kaklase namen, akmang aawat sina Nica pero tinignan 'ko sila ng masama. "Subukan nyong makialam at pati kayo luluhod sa harap" banta 'ko.

Hinila pabalik ni Star ang buhok 'ko ang ending nagsabunutan kame akmang sisipain 'ko sya ng maramdaman 'kong nakayakap sa bewang 'ko ang kung sinonat inilayo ako sa'kanya.

"WHAT THE FUCKING HELL STAR! I TOLD YOU, DON'T YOU DARE TOUCH AND HURT MY PRINCESS!" sigaw ni Yuhence. "She did it first sya ang unang nanakit" giit ni Star. "Hindi ka nya sasaktan kung di mo sya sinabihan ng masama" angal ng mga kaklase 'ko, "Oo nga tama" dagdag pa ng isa.

"WHAT DID YOU SAY TO HER?" tanong ni Yuhence atsaka ako iginiya papunta sa likuran niya. "THAT SHE SHOULD LEAVE THIS DAMN SCHOOL PARA MATAHIMIK NA ANG LAHAT DAHIL MALAS SYA!" nagulat ako ng biglang sampalin ng kung sino si Star.

"Ikaw ang aalis sa ayaw at sa gusto mo" nakita 'ko si Ate Mina na galit na galit na sumigaw kay Star.


"Ikaw ang aalis sa ayaw at sa gusto mo" nakita 'ko si Ate Mina na galit na galit na sumigaw kay Star

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Park Sooyoung (Joy) as Hera Talia Hernandez
The girlfriend of Gylojake Mcreid

THE BAD BOYS PRINCESS [ONGOING]Where stories live. Discover now