CHAPTER 17

5 2 0
                                    

Yuhence's point of view:
Pagpasok namin nagpaalam si Bernielle samin na magbibihis muna. Tumingin tingin muna kami sa kabuoan ng bahay nila. Malawak at maganda ang furniture, pero napukaw ng atensyon ko ang sunod sunod na litrato sa picture frame.

Una, ang picture nilang magkakapatid at nakagitna si Bernielle.

Pangalawa, picture ni Brytan at Mcreid.

Pangatlo, picture ng Papa nya at Tita Juli?

Pangapat, mga 8 or 9 years old na picture ni Brytan.

Panglima, ang 7 or 8 yearsold na picture ni Mcreid

Pero ang panganim ang mas nagbigay ng kahinaan sa akin, nangangatog ang binti ko at ang lamig ng hanging humahaplos sa katawan ko, hindi ko alam kung matutuwa bako o maiiyak sa nakikita ko ngayon.

Una si Tita Juli, pero ngayon hindi na, hindi kona hahayaang mawala sya.

Kasama ko noon si Hera at Jiro imposible... imposible..

"Usap tayo mamayang paguwi" bulong ko kay Hera, binigyan nya ako ng maikling tango.

Hera Talia's point of view:
I felt something strange ng bulungan ako ni YC. May problema kaya? Argh!!

Napalingon ako sa gawi ng picture frames at... siguro napansin nya na. Tinignan ko sya, tulala at halos malapit ng umiyak. Malalim din ang titig nya kay Jhustin.

"So, Jhustin may naiisip kana bang pagpapakilala?" basag ko sa katahimikang bumabalot sa buong living room.

"Kailangan ba engrande? hahaha" aniya sabay halakhak. Maya maya'y nawala ako sa pokus kay Jhustin ng makita ko si Mcreid, bagong ligo at pinupunasan ang buhok.

"Baka maglaway ka" saad ni Mcreid, atsaka ngumisi, inirapan ko nalang sya.

"Uhm.. I bet bonggahan mo ng onte ssaeng" suhestiyon ng Kuya atsaka umupo sa tabi niya.

"Uhm? Ang naiisip kolang is 'Hi SMHSians Jhustin Hidalgo female reprasentative of grade 12 Aristotle' yun lang" asik niya atsaka dumaklot ng chips.

"How 'bout you bro?" tanong ni Jescate. "What?" wala sa sarili nyang sagot. "Ahh, oo meron na" dagdag nya atsaka tumayo.

"Eto eto listen 'Hello SMHSians I'm Caliber Yuhence Buenavista, ang magandang binata ng 12-Aristotle na may kasabihang, kung ayaw sayo ng crush mo pasabugin mo yung crush nya' ahehehe" aniya atsaka umupo.

Napuno ng tawanan ang living room.

Still the same YC, malungkot sa loob masaya padin ipapakita.

"Ayos na pala e uwian na" saad ni Jake, hinatak naman sya Nico at kinurot sa tagiliran. "What's next Hera?" tanong ni Mcreid atsaka tumitig sa mata ko.

Halos maghurumentado ang buong katawan ko sa diko malamang dahilan.

"A-ahh y-yeah uhm haha ano na nga kasi ah oo yung talent portion since meron daw nun kasali sa ano sa ano kasi yon oo sa criteria hehe" halos di mailabas ng bibig ko ang balak kong sabihin dahil nakatitig saken si Mcreid.

THE BAD BOYS PRINCESS [ONGOING]Where stories live. Discover now