Seduce 7: Prof Jeric

252 24 4
                                    

Chapter Seven: Prof Jeric

"Agatha..." Napahinto ako ng marinig ko ang pamilyar na boses sa paligid kaya napabuntong ako. "Tapos na ba ang klase mo?" Palapit na ito sa akin, i rolled my eyes before i turn around upang harapin ito.

He has a unique cuteness, gusto ko ang pagiging neat and clean nito sa kanynag sarili. May itsura talaga siya, kaya nga maraming naghahabol sa kanyang mga babae..pero ewan ko ba, hindi ko siya gusto. Siguro dahil medyo nayayabangan ako sakanya, sa inaasta niya kung minsan na akala mo lahat ng bagay ay kayang-kaya niyang makuha. Kumbaga, ang taas ng level ng self-assuredness niya.

"Tapos na ang unang klase ko, at patungo na ako sa susunod kong klase."  Sagot ko sa tanong nito, tinaasan ko ito ng kilay dahil sa ngiting aso nito. "Ano na naman bang kailangan mo?"

Lumapad ang ngiting mapang-asar nito na mas lalong kinairita ko. "Bakit ganyan nalang parati ang tinatanong mo sa akin sa t'wing nagkikita tayo?"

"Bakit hindi? Alam ko namang may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin, diba?"

Ngumise ito. "Ang sungit mo ngayon ah? magkaibigan na tayo pero lagi mo parin akong tinatarayan at pinagsusupladahan. Gusto lang kitang makasabay, masama ba?"

"Wala ako sa mood mag-entertain ngayon o makipagusap sa kahit na sino man. Tsaka, hindi ibig sabihin na magkaibigan na tayo ay kailangan na kitang bigyan ng spcial treatment porket isa kang del fuego..." Sabay irap ko rito.

"That's not what i mean, I just want to be close to you as your friend. Alam ko kasing masaya kang maging kaibigan." He smiled.

"Really?" I smirked. "Well, sorry kasi busy ako sa studies ko lalo na't malapit na ang Prelim...madami-dami ang kakailanganin kong e-review." Saad ko tsaka ito tinalikuran, ngunit bumuntot pa rin ang loko.

Tengene!

"Gusto mo ba na sabay tayong mag-aral? Let's have a review together, malay mo naman makatulong ako sa'yo, I will help you with the lessons you don't understand." Again, nagngiting aso ito ng lingonin ko.

"Excuse me, pero hindi ko kailangan ng tulong mo kristoff. I can study alone, mas makakapag-concentrate akong mag aral na magisa lang...salamat nalang sa pagbubuluntaryo mo na samahan ako sa pagaaral." I said and turned to the right side upang umakyat ng hagdan.

Magkaiba kami ng course, Enigeering student siya kaya sa kabilang building pa ang tungo niya.

Wala namang masama para asa akin na maging kaibigan si krisroff, ang pinu-problema ko lang ay 'yong mga taong mga judgemental na akala mo kung makahusga ng kapwa ay akala mo naman mga perpektong nilalang dito sa mundo.

Limitado lang talaga ang pakikipagusap ko sa taong 'yon dahil sa mga mata ng karamihan, iba ang naglalaro sa isip nila kapag magkasama kaming dalawa. Kung ano-anung iniisip, kung ano-anung pagdududa kaya umiiwas talaga ako rito. Ayokong pagusapan ulit ng maling issue, ayokong ma-stress ng dahil lang sa maling chismis na ikinakalat ng mga inggitera dito.

Hindi ko alam kung pag-aaral ba talaga ang pakay ng ilang etudyante rito o pagiging chismosa eh wala namang subject or kurso dito na chismosatology, pero ang lalakas mangalap ng chismis at magkalat ng maling storya. Tinalo pa nila ang mga journalist. The folks!

PAGKA-AKYAT ko sa floor kung saan ang aking silid na pupuntahan ay saktong makakasalubong ko ang aking crush next door na professor. Masaya itong nakikipag-kwentohan kay prof jeric kaya ako nahinto sa paglalakad.

Mabibigat ang pagbuga ko ng hangin bago ko muling hinakbang ang aking mga paa upang magpatuloy sa paglalakad. Taas noo lang ako at hindi tumitingin sa kinaroroonan nila, bakas sa boses ng dalawa na tuwang-tuwa sila sa kanilang pinaguusapan dahil sa tawanan ng mga ito kahit na hindi ko ito tignan.

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon