Seduce 23: Annoyed

224 14 2
                                    

Chapter Twenty-Three

KAHIT na medyo labag parin sa loob ko ay pumayag muli akong kumain kasama si kristoff sa isang cafeteria dito sa school. Hindi ito ang main cafeteria ng campus, pero nagaalangan parin ako minsan kapag kasama ko siya rito, kahit na hindi gaanong maraming tao sa lugar na 'to.

Ako ang nag-request na dito kami kakain kapag magkasama kami, upang makaiwas sa posibleng maging usap-usapan kapag nakita kami ng mga babaeng taga-hanga nito. Maswerte parin ako dahil hindi ganoon katatabil ang dila ng mga estudyanteng nandirito, kumpara sa kabilang cafeteria na halos lahat ng klaseng estudyante ay naroroon talaga dahil sa laki din no'n.

"Tapos ka na agad?"

Inabot ko ang bote ng mineral water para uminom ro'n, habang nakatingin parin ito sa aking pinagkainan na ang bilis ko lang na naubos.

Well, sinadya ko talagang ubosin 'yon kaagad para makaalis na ako.

"Nakita mo naman, diba?" Saad ko nang ilapag ko ang mineral bottle sa lamesa.

"Gusto mo pa ba? Baka nabitin ka sa kinain mo?" Ngumiti ito sa akin.

Sa mahigit isang linggo na parati ko itong kasama, masasabi ko na okay naman siyang maging close friend. He's caring, thoughtful and I can say that he is a kind man... but I am still not comfortable with him sometimes. May pagkakataon na napapaisip ako na baka may nais lang talaga itong makuha mula sa akin kaya siya ganoon kabait.

O'baka masyado lang akong negatibong mag-isip at judgemental na tao kaya ko nasasabi ang mga iyon. Ilang beses ko na rin naranasan ang mga ganitong bagay sa lalaki, sapagkat habol lang talaga nila ang katawan ko dahil nga sa aking pinagmulan. Kaya naman kung minsan ay ganoon nalang ako mag-isip sa mga lalaking nakakasalamuha ko sa buhay ko. Lalo na kung kapansin-pansin ang pagbibigay nito ng motibo.

"Busog na ako..." Tugon ko. "Tsaka kailangan ko ring magreview ngayon kaya mauuna na ako sa'yo."

"Ihahatid na kita." Pag-pipresenta nito.

"Kaya ko na ang sarili ko, ubusin mo nalang 'yang kinakain mo." Tukoy ko sa kinakain nito na nangangalahati pa lang ang nababawas.

Ngumiti itong muli. "Hindi na, busog na rin naman ako." Tumayo ito mula sa kinauupuan nito. "Tara, ihahatid na kita sa room niyo para makapag-review ka na."

Wala akong nagawa kundi ang tumayo na rin at magpahatid sakanya sa silid kung saan ang sunod na subject ko ngayong after lunch. Alam kong magpupumilit lang din naman siya kaya hahayaan ko na lang siya na ihatid ako nito hanggang sa room.

Mabilis ang bawat paghakbang ko ng aking mga paa upang kaagad kaming makarating sa silid, at nang sa ganoon ay makaalis na siya at makapag-review na rin ako.

Nasa may hallway kami ng makasalubong namin si prof Kirby, halos nakabungisngis na ito ng huminto sa tapat namin. Hindi ko naman maiwasang mapa-irap sa hangin dahil sa laki ng ngiti nito. Lagi nalang siyang ganyan kapag nakakasalubong namin siya minsan, mukhang tuwang-tuwa siya kapag nakikita niya kaming magkasama, na ikinaiinis ko naman.

"Saan ang punta niyo?"

"Ihahatid ko lang 'tong si Agatha sa room nila, kuya Kirby." Sagot ni kristoff rito.

"Ang aga pa, ha? Kumain na ba kayong dalawa ng lunch?" Saad nito pagkatapos sumulyap sa kanyang wristwatch at malapad na ngumiti sa amin.

He wasn't like that kapag minsang nagkakaharap o nagkakasalubong man kami. In fact, madalas ay hindi kami nagkikita or nagkakasalubong ng madalan dati sa hallway o sa anumang bahagi ng paaralang ito sapagkat iniiwasan niya ako before...but now, parang siya pa nga mismo itong kusang lumalapit sa amin para ipakita kung gaano nga siya katuwa sa akin. Parating ang lapad ng ngiti niya na akala mo laging nananalo ng jueteng sa kanto.

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon