Seduce 8: Invitation

252 21 5
                                    

Chapter Eight: Invitation

"KISSSSS!" Udyok ng mga bisita kaya hinalikan ni Daddy ferds si mama sa lips.

"Buti pa ang mama mo agatha, may lovelife...eh ikaw, kailan kaya 'no?" Anas ni Val habang kumakain.

"Eh, ikaw naman val. Kailan ka naman titigil sa kakalamon?" Bwelta ko rito. "Wala ka ng ginawa kun'di kumain ng kumain."

"Kung hindi ako kakain, magugutom ako. Baka 'yon pa ang ikamatay ko, ang mamatay sa gutom marsh!" Pagrarason nito.

"Sa tingin mo nakakabuti 'yang ginagawa mo? Halos minu-minuto ay lumalantak ka, 'yan din ang papatay sa'yo kaya maghinay-hinay ka VALyena..."

"Maka-Valyena ka naman dyan, marsh.." Nguso nito kaya natawa ako.

"Dapat talaga hindi na kita in-invite dito sa wedding ni mama, ikaw ang nakakaubos ng pagkain." Pang-aasar ko muli rito.

"Ang sama mo marsh, ha."

"Uy, tama na nga 'yang asaran niyo diyan. Baka isipin ng mga tao rito nag-aaway kayo." Sita ni Lia. Halatang tinuruan 'tong si Lia ng good etiquette kapag nasa occasional or gathering. Samantalang si Val, halos gustong matikman ang lahat ng pagkain, 'di na nahiya. My gracious!

"Agatha, tawag ka ng mama mo..." Kulbit sa akin ni Val. Pagtingin ko sa kinaroroonan nila mama ay inalok ako nitong lumapit sakanila.

"Diyan na muna kayo." Paalam ko bago tumayo upang lapitan ito.

"Halika 'nak, magpakuha tayo ng litrato para may remembrance...ilalagay ko ito sa photo album." Saad nito ng makalapit ako.

Tumabi ako rito para kuhanan kami ng litrato ng photographer. Sa civil lang sila ikinasal pero madami ang in-invite ni mama. Karamihan sakanila ay mga katrabaho at naging katrabaho niya dati kaya kumuha sila ng may kalakihang reception hall para e-celebrate ang wedding nila rito.

"Uy, mare siya na ba 'yong anak mo? Kay gandang dalaga, ha. Mana sa nanay." Dalawang babae ang lumapit kay mama na kasing edad lang niya ata at bumeso rito habang kinukuhanan kami ng litrato ni daddy ferds.

"Oo mare, syempre tatay niya isang australiano kaya ganyan kaganda ang anak ko." Pagmamalaki ni mama na ikinabuntong ko.

Lumapit ako rito. "Ma, lalabas kami ng mga kaibigan ko."

"Nak, sila nga pala ang mga co-worker ko sa hotel na pinagta-trabahohan ko." Pagpapakilala ni mama.

"Hello po, magandang araw sa inyo." I greeted them before I turned. "Ma, lalabas na muna kami nila Lia at Val." Ulit ko rito.

"O'sige, 'nak. Go lang. Basta mag-iingat ka, ha?" She tapped my shoulder, bakas sa mukha nito na masayang-masaya siya ngayong wedding day niya.

"Yes, ma." I smiled and kissed her cheek. "Just enjoy your wedding day, Ma..." I said before I walked to the place where my two friends were seated. "Hoy, tara na!" Untag ko sa dalawa.

"Nagpaalam ka na sa mama mo?" Tanong agad ni Val.

"Yup, nagpaalam na ako kay mama. Okay lang sakanya kaya taralets." Sagot ko.

Tumayo naman si Lia. "Buti pa ang mama mo 'no? pinapayagan ka agad. Eh, ako kailangan pang sagotin mga tanong nila kung saan pupunta, sino kasama, anong oras uuwi. Hay! Nakakasakal."

"Grabe! May pa-question and answer portion pala lagi ang parents mo." Ani Val habang nagpupunas ng tissue sa bibig.

"Ano pa, dapat maganda ang magiging sagot ko sakanila... Dahil kung hindi, talo na. 'Di ako papayagang makaalis." Reklamo ni Lia. "Pinayagan nila akong pumunta rito kasi may invitation akong pinakita, ang kaso may time limit."

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon