Chapter Fifteen: CookUMUWI ako ng maaga upang makapag-ayos ng sarili, feel ko masyado akong pinagpawisan sa school lalo na kapag tinititigan ko ang kinuha kong picture ni Prof kirby. Ang hot kasi niya sa mga picture na kinuha ko.
Balak ko ngayon na pumunta sa kanyang unit para ipagluto ito ng dinner kaya ginandahan ko ang aking sarili. Alam kong lalaki ang bet niya ngunit nais ko paring maging maganda kahit mukha akong ambisyosang palaka para sakanya.
Inabot ko ang aking paboritong pabango na Dulce and Gabbana Iight blue perfume at ini-spray iyon sa aking katawan. Tumapat ako sa salamin upang suriin ang aking sarili.
"Ayan agatha, you look fresh na ulit...hindi ka na mukhang galing palengke." Confident na turan ko habang nakatingin mula sa aking repleksyon sa salamin.
Inayos ko ang aking buhok bago ko nilisan ang aking bedroom. Lumabas ako ng unit matapos kong i-check ang orasan. At this hour, I think naka-uwi na rin 'yon siguro si prof.
Pinindot ko ng dalawang beses ang doorbell nito. Ang kaso hindi binubuksan, I don't know kung nakauwi na ba siya o hindi pa. Kinuha ko ang aking phone mula sa aking bulsa upang kontakin ito.
Panay ring lang nito at hindi sinasagot ang tawag ko. Sumimangot ako ng isipin na baka pinagtataguan ako nito. Ilang beses ko pang pinindot ang doorbell pero wala talaga. Padabog akong sumandal sa pinto at humalukipkip.
Ilang minuto na akong nakatayo rito ng mapagpasyahan kong bumalik na muna sa aking unit at baka nasa school pa ito at may tinatapos pa. Malapit na ako sa aking unit ng makita ko itong parating, awtomatiko naman akong napangiti ng makita ko siya.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Salubong ko rito.
"Why should I answer your call, eh nagmamaneho ako..." Pagtataray nito.
Sinundan ko naman ito. "Malay ko bang nagmamaneho ka, akala ko kasi naka-uwi ka na ng ganitong oras at pinagtataguan mo ako sa loob ng unit mo."
He just ignore me and stop in front of his door. He gesture na tumalikod ako. "Turn around..."
"Bakit?" I asked.
He sighed. "Ayokong malaman mo ang passcode ko."
"Ah, Okay..." I said as I turn around.
Sayang naman, akala ko pa naman makukuha ko na ang passcode niya. Sigurista siya.
Pagbukas nito ay tsaka naman ako humarap para sundan ito sa loob ng kanyang unit.
Huminto ito at iratadong hinarap ako. "Teka nga, ano bang gagawin mo dito sa unit ko at sumunod ka?"
Ngumiti naman ako. "Gusto ko lang na ipagluto ka, kahapon kasi kumain ka na at sinabi mong busog ka kaya hindi na kita naipagluto 'diba?"
Bumuntong ito at tila hapong-hapo. "No need, i can cook. Just go back to your unit."
"Huwag ka na ngang magpakipot diyan prof, alam kong pagod ka dahil sa work mo sa school kaya ipagluluto kita." Hinawakan ko ang matigas na braso nito at pinatalikod. "Magbihis ka na at ako na ang bahala sa makakain mo for tonight." Anunsyo ko at bahagyang itinulak ito patungo sa kanyang kwarto.
"Sandali nga!" Pigil nito. "Baka naman may pinaplano kang hindi maganda diyan?"
"Ang plano ko lang ay ang ipagluto ka prof, wala naman akong gagawing masama sayo 'no. Huwag ka ngang paranoid." I said.
He smirked. "Paano naman ako magtitiwala sa'yo, eh nagawa mo nga akong i-blackmail diba? Baka kung anong gayuma ang ilagay mo sa lulutoin mo."
"Grabe ka naman, prof. Hindi ako nanggagayuma 'no! Kung gagayumahin kita edi sana noon pa."
BINABASA MO ANG
CSS2: The Desperate Woman
RandomFalling in love is great. It colors your whole world and makes your days inspiring. But for some reason, some people find it too scary. They decided it's to better hold part of their feelings. But not her-not Agatha Lohriet Caravantes. At dahil desp...