Seduce 3: Kristoff

368 33 7
                                    

Chapter Three: Krisstoff

DISMAYADO akong naupo sa silya at nangalumbaba sa tapat ni Val habang kumakain na naman ito ng sandamakmak na pagkain.

"Ano ba 'yan marsh, Umayos ka nga!" Hinampas ako nito ng Goya sa mukha. "Huwag kang mangalumbaba sa harap ko. Nakakamalas ng araw 'yan." Paninita nito.

Sumimangot naman ako. "Hindi ko kasi nakita si Crush Next Door ko."

"So? Ano naman ngayon kung hindi mo siya nakita? Tanghaling tapat nakasimangot ka diyan. May araw pa naman para makita mo 'yang crush mo." Saad nito bago kumagat ng chocolate. "Tsaka, isa pa. Kapit-bahay mo naman 'yon 'di'ba? Edi, katokin mo sakanila para makita mo, hindi 'yong nagiinarte ka pa diyan para kang batang ninakawan ng candy." Dagdag pa nito na ikinatirik ko ng mata.

"Ngayon ko siya gustong makita para ganahan naman ako sa pag-aaral. Haller!"

"Ang sabihin mo, gusto mo lang lumandi at magpa-cute marsh kaya mo hinahanap 'yang crush next door mo na 'yan." Wika nito sabay lantak sa chocolateng kinakain niya at nagbukas pa ng isa.

Napangiwe nalang ako sa katakawan nito sa chocolate.

"Hinay-hinay sa pagkain ng chocolate at matatamis at baka mamaya isugod ka nalang bigla sa hospital dahil inatake ka ng diabetes diyan!" Sita ko rito.

"Thanks sa concern marsh, pero hindi ko talaga mapigilang hindi kumain ng chocolate. I reaaaaally like it, so much!" Katwiran nito na ikina-iling ko nalang.

"Bahala ka nga sa buhay mo! Basta binalaan na kita, huwag mo akong sisisihin kapag tinamaan ka ng matinding diabetes, acidic, cholesterol o kung ano paman." Iritadong wika ko.

Feel ko ako ang magkakasakit sa ginagawa niya. Tengene!

Ayokong magkasakit, mahal ko ang katawan ko at ang buhay ko maging ang malanding kaluluwa ko na sumanib sa katawang ito kaya inaalagaan ko ang healthiness ko....pero itong si Val, nakaka-tengene! Gusto na yata magpatiwakal sa sarap ng pagkain na kinakain niya na pagmumulan niya ng sakit. Hindi lang kasi siya mahilig sa tsokolate kundi pati mga fatty foods and high in calories ay bet na bet niya. Oh pak that bet!

Nakakawala ng ganang kumain, pero hindi naman ako pwedeng hindi kumain at baka magka-ulcer naman ako. May pagka-health conscious kasi talaga ako minsan.

Tumayo ako at nagpaalam kay Val. "Order lang ako."

Pumunta kaagad ako sa counter para umorder ng makakain kong lunch ngayon. I really need to eat plenty of food today para magkalaman din ang utak ko mamaya sa long quiz na ibibigay sa amin sa History.

Ayoko ng makakuha ng mababang score sa mga quizzes at mas lalong ayoko ulit maging pasang-awa nalang palagi sa mga subjects ko. Hindi talaga ako katalinuhan, nagpupursige lang talaga akong makapagtapos lalo na't graduating student na ako. Sayang din naman kasi ang binabayad na tuition fees ni mama dito sa mataas na unibirsidad na 'to.

Hindi naman kami mayaman, pero hindi naman kami mahirap. Napo-provide naman ni mama lahat ng needs ko dahil ako lang naman ang nagiisang anak niya. Ang problema ko lang noon talaga sakanya ay ang pagiging lalakero niya, kahit sinu-sino nalang ang lalaki niya.

And the worst is, inuuwi niya pa sa bahay namin kung minsan 'yong iba. She was working as a receptionist at Singer naman ito sa ilang bar kapag weekend kaya madaming nakakasalumuha. At doon niya nakilala ang last apple of the eye niya na si Ferdinand Tagtstroms na pakakasalan niya, soon. Dati-rati, dumadalaw lang ito sa bahay na tinutuluyan namin until they have decided to live together in one roof.

Isa itong seaman na divorce sa asawa at may dalawang anak sa stockholm, sweden.

At ang soon-to-be step father ko din ang gumasto sa pagkuha ko ng condo nitong nakaraang buwan lamang. Ayoko ng pumirme pa sa bahay niya since ikakasal na rin naman sila ng mother ko. Ako ang naiirita sakanila kapag kasama ko sila.

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon