Chapter Nineteen: Sisters
"Sure kang hindi ka makakasama, marsh?" Tanong ni Val sa akin habang palabas na kami ng school.
"Kanina ka pa, pang ilang beses na 'yan. May next time pa naman 'diba?" I said.
Kung hindi ako nagkakamali ay pang apat na tanong na niya 'yon kung hindi ba daw talaga ako sasama sakanila. Nagyaya kasing mag-window shopping si Lia ngayon, since wala naman ang magulang nito sa kanilang bahay dahil sa out of town business nito.
"Curious lang naman ako, dati kasi go na go ka sa galaan...pero ngayon hindi ka makakasama? Syempre nakakapanibago para sa akin 'yon." May pagtatakang saad nito.
"Sinabi ko na sa'yo diba? na sa bahay nila mama na muna ako ngayon uuwi. Syempre, namimiss ko din naman ang mudra ko 'no." Saad ko na ikinabuntong naman nito.
"Oo na, sige na...basta next time sumama ka ha?" Tila may pagtatampo na wika nito. "Sige bye na. Kita nalang tayo sa monday." Paalam nito. Ngumiti lang ako at kinawayan ito.
Okay naman kay Lia na hindi ako makakajoin sa gala nila this day, pero itong si Val ay gusto talaga akong isama. At 'yong sinabi ko na sa bahay nila mama ako uuwi ay reason ko na lang 'yon. Ang totoo kasi may iba akong pupuntahan ngayon. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila 'yon dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang alam tungkol sa amin ni prof kirby.
Wala pa silang idea kung ano ang mayro'n sa amin. At wala rin akong balak na ipaalam 'yon sa kanila. Mananatili pa ring sekreto 'yon, hanggang sa maka-graduate ako.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko mula sa aking bulsa kaya kinuha ko kaagad ito. Isang mensahi ang natanggap ko mula kay prof.
[Ako na lang ang pupunta sa unit mo mamaya.] He texted.
Napangiti ako dahil mukhang makakasama ko ulit si prof kirby, gusto ko sanang sulitin ang bawat oras habang boyfriend ko pa siya...ang problema lang nitong nakaraan lang ay kailangan kong magfucos sa studies ko, lalo na't naaamoy ko na ang diploma.
Ngunit sa t'wing naaalala ko ang ibinigay kong kondisyon patungkol sa relasyon namin ni prof ay parang gusto kong huwag na lang matapos ang school year, na huwag ng dumating ang graduation day...subalit parang nananadya ang tadhana dahil ang bilis lumipas ng oras.
Pagdating ko sa aking unit ay sa aking closet kaagad ako lumapit upang mamili ng aking maisusuot na damit para i-ready. Jeans pants sana ang pipiliin ko, kaso pinalitan ko ang jeans ng skirt upang ipares sa polo blouse na gusto kong isuot. Inilagay ko iyon sa aking kama bago pumunta ng kusina para magluto ng makakain ko.
Hindi na ako magpapalit ng damit dahil after kong kumain ay maliligo din naman ako. Sa bahay ng ate ni prof na si ate viron kasi ang punta namin mamaya. Hiningi ni ate margot ang number ko no'ng mag-dinner kami sa bahay ng kanilang parents...And she gave my contact number to Ate Viron. Kanina lang ako tinawagan ni ate viron to invite me sa inuman session daw nilang magkakapatid this coming night.
Hindi naman ako makatanggi sakanya kaya umoo na lang ako kanina.
"Okay na siguro 'to." Sambit ko habang nakaharap sa salamin habang suot ang napili kong damit.
Tapos na akong kumain, nakaligo na ako at naka-ayos na rin ako. Ang gagawin ko na lang ay hintayin si prof kirby para sunduin ako.
Ang lapit lang ng unit niya, anytime ay pwede ko naman siyang katokin kapag tapos na akong magbihis pero ang sabi niya sa text niya kanina ay siya nalang ang pupunta rito sa unit ko...so, no choice kundi ang hintayin na lang siya.
Hindi nagtagal may nagdoorbell na, mabilis ko naman itong pinagbuksan.
"Ipinaligo mo na naman ba ang pabango mo?" Bungad nito sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/175349507-288-k1545.jpg)
BINABASA MO ANG
CSS2: The Desperate Woman
RandomFalling in love is great. It colors your whole world and makes your days inspiring. But for some reason, some people find it too scary. They decided it's to better hold part of their feelings. But not her-not Agatha Lohriet Caravantes. At dahil desp...