Chapter One: Professor
I was really disappointed.
Hindi pa rin ako maka-get over sa transwoman. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi ng dahil lang do'n kaya busog ang eyebag ko nang dahil sa pagpupuyat. Tengene!
Napatitig ako sa mukha ko habang nakaharap sa aking salamin. Kakaligo ko lang kaya fresh na fresh ako ngayon. Sinuri ko ng maigi ang aking mukha.
I can't just believe.
Sa ganda ko ba naman 'to mapagkakamalhan ng transwoman? At ang aking crush next door pa talaga ang nagsabi?
Omoghaaad!
Ang sakit ha...gusto kong dibdibin ang sinabi niya-pero huwag na lang! Makakadagdag lang 'yon sa bigat ng boobs ko-i mean dibdib ko.
Tinungo ko ang cabinet para kunin ang shoulder bag ko do'n. May pasok pa ako ngayon sa school at major subject ko pa naman 'yon. Hindi ako pwedeng lumiban sa subject na 'yon kahit gustohin ko.
Ang boring naman kasi magturo ng professor na 'yon lalo na ngayong buntis siya. Walang kabuhay-buhay mag-discuss sa klase.
Paglabas ko ng aking pad sumulyap ako sa pinto ng crush kong kapitbahay. I don't know kung tulog pa ba si hanky-panky crush or umalis ng maaga para mag-gym.
Kapag wala akong magawa sa buhay, ini-stalk ko talaga siya. At ang alam kong madalas niyang tambayan niya at puntahan ay ang 'fitness gym'.
Napakagat ako sa aking labi ng maalala ko ang hardness na maskel niya. Ang sarap himas-himasin ng matigas at malaki niyang biceps. Aww!
Sumakay na ako sa elevator ng bumukas ito. Hinalughog ko ang aking bag para kunin ang textbook na dala ko. I just remembered that we have a long quiz this day.
Kahit nasa taxi na ako ay patuloy kong inaaral at nire-review ang mga nagdaang lesson namin. Graduating student ako at hindi pu-pwedeng bumagsak sa major subject kong 'yon. Hay buhay!
"AGATHA!!"
Isang malakas na sigaw sa pagtawag ng pangalan ko kaya napalingon ako bago pumasok ng gate. I saw my bestfriend Valerie Prescott running towards me.
Maganda si Val, maputi, may lahi din like me...plus-sized nga lang.
Hingal na hingal ito ng makalapit sa akin. "Ganyan dapat! konteng jogging din paminsan-minsan para bawas taba ng bilbil."
"Animal ka! Hindi ko keri."
"Pero kung pagkain kering-keri? Ilang metro palang 'yong tinatakbo mo kinakapos ka na ng hininga, dapat kasi talaga sa'yo nagbabawas ng timbang eh."
"Paano ako makapagbabawas ng timbang eh mapanukso ang mga foods. Taksil din ang sikmura ko dahil parating gutom."
Napa-iling nalang ako. "Ang dami mo kasing rason. Sabagay, katawan mo naman 'yan...nasa sa'yo na rin naman 'yan kung gusto mong maging balyena at magmukhang anak ni Mr. Crab dahil diyan sa red lipstick mo."
"Animal ka marsh!" Hinampas niya ako sa braso. Natawa nalang ako dahil sa reaction niya.
Nagtuloy-tuloy na kami sa paglalakad papasok sa loob ng university. Hindi pa naman ako late, may isang oras pa bago mag-start ang klase ko kaya hindi ako nagmamadaling maglakad.
I rolled my eyes when I passed over to three women who were gossiping to the sides of the hallway.
"Alam niyo bang kalat na sa school na naka-make out niyan si Kristoff?"
BINABASA MO ANG
CSS2: The Desperate Woman
RandomFalling in love is great. It colors your whole world and makes your days inspiring. But for some reason, some people find it too scary. They decided it's to better hold part of their feelings. But not her-not Agatha Lohriet Caravantes. At dahil desp...