Seduce 27: Sorry

310 20 4
                                    

Chapter Twenty-Seven

MAGANDA ang gising ko ngayong umaga at maaga din akong nagising. Habang tulog pa sila Lia at Val ay nagayos-ayos ako ng kunti. Upang maging maganda ako sa araw na ito, naglagay ako ng lip tint sa aking labi at press powder sa aking mukha. Ilang beses ko ding sinuklay ng sinuklay ang aking may kahabaang buhok. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses din akong humarap sa salamin upang i-check ang aking kabuohan.

Masaya lang ako ngayon. I just can’t get over what happened last night...feeling ko super haba ng hair ko dahil sa wakas nagustohan na din niya ako. Ito talaga 'yong pinaka-hihintay kong mangyari kaya masaya talaga ako at hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi.

Dahan-dahan at maingat kong binuksan ang pinto tsaka ako tahimik na lumabas ng cabin upang hindi magising and dalawa sa kanilang mahimbing na pagtulog. Ayokong maka-istorbo sa maganda nilang panaginip habang naghihilik pa ang mga ito.

Sinamyo ko ang malamig na hangin sa umaga na dumadampi sa aking balat. Matiwasay at ang sariwa talaga ng hangin rito. Hindi tulad sa siyudad na puro usok ng tambutso at minsan pa ay masangsang ang maaamoy mo na pwedeng makasama sa kalusugan ng isang tao. Masarap talaga mamuhay sa ganito kaganda at kapayapang lugar.

Napayakap na lamang ako sa aking sarili nang umihip ang malakas na hangin sa paligid. Nakalimutan kong magsuot ng sweater, hindi ko aakalain na ganito pala kalamig ang ihip ng hangin sa umaga kahit may kaunting liwanag na.

Kung babalik pa ako sa loob ng cabin ay baka madisturbo ko pa sa pagkakatulog ang dalawa, napuyat pa naman ang mga 'yon sa kakalaro nila ng billiard kagabi.

Naupo ako sa isang hammock na malapit lamang sa aming cabin upang magmuni-muni ng ilang minuto, habang hinihintay na umusbong ng tuluyan ang haring araw. Masyado pa namang maaga para magpunta sa dining hall para mag-almusal, hihintayin ko na lang ang dalawa na magising nang makasabay ko ito sa pagalmusal. Bukod do'n ay may isa pa akong gustong makasabay sa pagkain—at 'yon ay si prof kirby.

I automatically smiled as I remembered the word he said last night. Paulit-ulit na umuukit sa aking kokote ang salitang 'i love you' na binigkas niya, tila isang musika 'yon sa aking pandinig. I want to hear that word from him again. And most of all, his warm embrace. I wanted to feel his body wrapped around me again so that the coldness of the wind would disappear.

"Good morning, Agatha."

Lumingon ako sa bumati.

"Ikaw pala, kristoff." Saad ko ng tuluyan na itong nakalapit.

"Kanina ka pa gising?" He asked as he smile.

"Ah, parang..."

Kailangan kong alalahanin na ayaw na ni prof Kirby na dumidikit ako sa pinsan niya. At dapat ko na ring simulang limitahan ang paglapit ko rito upang hindi ito magselos.

"Bakit, hindi ka ba nakatulog ng maayos sa cabin? Do you want to move to another cabin?"

"Maayos ang tulog ko at walang problema sa ibinigay mong cabin sa amin. Nagising lang talaga ako ng maaga ngayon."

"Okay, so, kumain ka na ba breakfast?"

Umiling ako. "Hindi pa..."

"Sumabay ka na sa akin mag-breakfast." Anyaya nito at muli akong nginitian.

Medyo nakakaramdam na ako ng kunting gutom, pero hindi dapat ako sumama rito para makasabay itong kumain at baka makita kami ni prof kirby. Kung pwede nga lang, si prof ang gusto kong makasalo sa pagkain ngayon, hindi ko nga lang alam kung paano ko gagawin 'yon ng hindi kami nakikita ni kristoff at ng iba pa. Baka maghinala sila kapag nakita kami ng mga ito na magkasama.

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon