Seduce 9: Chance

232 17 5
                                    

Chapter Nine: Chance

MABILIS na lumipas ang araw at huwebes na kaagad. Naging abala ako sa pag-aaral at ilang research din ang dapat kong gawin para i-submit sa aking professor sa ilang subject ko. Nakakapagod maging studyante, my gracious! pero keri parin. For the sake of my goal na maka-graduate.

Pag-uwi ko sa aking unit, mabilis kong hinubad ang aking suot na uniforme upang magpalit ng pang-bahay na damit at inilagay 'yon sa laundry basket.

Hinawi ko ang kurtina ng aking bintana matapos kong makapag-bihis, tsaka lumabas ng aking kwarto. Dumako ako sa kusina para kumuha ng makakain sa ref...ngunit pagbukas ko ay puro tubig lang ang nasa loob.

"Ano ba 'yan, wala na pala akong stock ng pagkain.." Reklamo ko ng makitang pati sa cabinet ay wala na din kahit biscuit man lang.

Sa sobrang busy ko sa studies and research ay hindi ko namalayan na wala na pala akong stocks ng pagkain dito sa unit ko. My graciousness!

Bumalik ako ng kwarto para magpalit ng maayos na damit, hindi naman kasi ako pwedeng lumabas ng naka-sando at short lang. Isa pa, grocery ang pupuntahan ko. Ang pangit tignan kung gano'n ang suot ko.

"Buti nalang hindi pumasok 'yong professor namin sa last subject namin ngayon kaya maaga akong umuwi..." I murmured while waiting for the elevator to open. Sumakay agad ako ng bumukas ito.

Pumara agad ako ng taxi paglabas ko ng condominium building at nagpahatid sa malaking grocery store, para mas makapili ako ng gusto kong bilhin. 'Yong mga kakailanganin ko lang ang bibilhin ko dahil hindi ko kayang magbitbit ng marami. Pagkain lang naman ang kailangan kong bilhin.

Pagpasok ko sa loob ng grocery kumuha agad ako ng push-chart para may mapaglagyan ako ng mga bibilhin ko. Hindi ako nagsayang ng oras, kumuha agad ako ng mga pagkain na kakailanganin ko sa unit ko at inilalagay 'yon sa push chart na tulak-tulak ko. Ang kaso nga lang, may kahabaan ang pila sa may counter kaya doon ako natagalan.

Madilim na ang langit at nakakaramdam na din ako ng gutom paglabas ko ng grocery kaya napagpasyahan kong humanap ng restaurant or fastfood kung saan pwede akong kumain.

Napili kong kumain sa Greenwich dahil 'yon ang mas malapit, kaysa naman lumayo pa ako, eh may bitbit akong groceries.

Malaki talaga ang advantage kapag may sariling sasakyan, kahit saan ay pwede kang pumunta...kapag ganitong may kailangang bilhin ay madali lang, 'di na kailangang mag-abang ng masasakyan kapag pauwi. Kaya kapag nagka-trabaho na ako, kotse talaga ang una kong bibilhin.

Naupo ako sa may bakante. Konte lang ang kinain kong lunch sa school kaya nakakaramdam na ako ng gutom. Nag-order agad ako ng carbonara chicken combo, for dine-in. Then Potato waves and lasagna supreme naman for take-out para may almusal ako bukas.

Binilisan ko lang ang pagkain ko para makauwi agad ako. Napalingon ako sa may left side ko at nakita ko do'n si Jewie, kasama ulit nito ang lalaking nakita kong kasama niya sa mall.

Mukhang masaya silang nagki-kwentohan habang kumakain. Gusto kong kuhanan ang mga ito ng picture para maipakita ko may prof kirby, pero naisip ko na parang mali kung gagawin ko 'yon.

Ayokong manghimasok, pero mali naman na tumahimik nalang ako. Kawawa si prof kirby kapag nagkataon.

Tapos na akong kumain pero hindi ko magawang umalis. Napansin kong tumayo ang lalaki para pumunta ng comfort room, sunod ay siya naman ang tumayo. Akala ko sa comfort room din siya tutungo but I'm wrong. Naglakad ito palabas kaya dali-dali ko itong sinundan.

"Miss, may naiwan ho kayo." Sabi no'ng waiter, tukoy niya sa take-out na nasa mesa at groceries na pinamili ko.

"Ah, dyan ko na muna. Sandali lang ako sa labas, may kakausapin lang ako."

CSS2: The Desperate WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon