Chapter Twenty-One:
"Agatha...." Huminto na ako sa paglalakad dahil sa nakukulitan na ako pagkatapos ko silang walk-outan dahil sa inis na naramdaman ko.
Hinarap ko ito. "Akala ko ba friends lang tayo? Ano 'yong ligaw na sinasabi mo? Diba nagusap na tayo dati? Nakalimutan mo na ba?"
"I'm sorry..." Tanging nasabi nito.
I sighed.
"No, I am the one who should apologize dahil pagiging isang kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sa'yo kristoff..."
"I know, agatha. Nagbabakasakali lang naman ako that you might like me too."
Tanging pagbuntong nalang ang nagawa ko. Hindi ko siya masisisi. Dahil nararanasan ko rin ang pinagdadaanan niya sa ngayon. Ayoko naman piliting gustohin siya lalo na't pinsan niya ang taong gustong-gusto ko.
"Again, we're just friends. Okay? Huwag na sana ulit dumating sa point na sabihin mo ang bagay na 'yon kristoff. Please lang." Pakiusap ko.
He smiled. "I promised. Anyway, let's lunch together." Pagiiba nito.
"Salamat nalang—"
"Kahit ngayon lang." Pagpupumilit nito.
Saglit akong nag-isip. Iginala ko ang aking paningin sa paligid, malapit lang ang cafeteria at napakaraming tao ngayon dun dahil lunch break. Tiyak sa akin na naman ang tingin ng mga ito kapag nakita nilang kasama ko si kristoff lalo na kung magsasabay pa kami ni kristoff sa pagkain ng lunch.
"Next time nalang." I said.
"Bakit? May problema ba?" Sumulyap ito sa cafeteria kung saan ako nakatingin kanina.
"Alam mo naman dito sa school, iwas issue at chismis lang ako kaya next time nalang kapag nasa mood akong makipagtrash-talkan." Tugon ko.
"Fine, I get it. Ganito nalang itetext nalang kita kung kailan ka available since i have your number."
"Okay..." I nodded. "Sige, bye." I said before I turn around and walks straight towards the cafeteria.
And as usual, my two friends na sina Val at Lia ay nagsisimula ng mananghalian.
"Uy marsh, huwag ka ng mag-order ng lunchie mo. In-order ka na ni Lia. Trineat ka niya." Sabay nguso sa isang tray na may lamang pagkain.
"Talaga? Wow, thank you Lia." I said as I sat down.
"Walang anuman, agatha." Tugon nito. "Akala ko nga nauna ka na sa akin dito, bigla ka kasing nawala sa classroom kanina."
"Ah, anu kasi pumunta ako ng restroom." Palusot ko, pero ang totoo sinundan ko si prof pero wrong move ang nangyari.
"Kainin mo na 'yang pagkain, baka ako kumain dyan kapag hindi mo pa kinuha." Banta ni Val sa treat ni Lia sa akin.
"Huwag kang matakaw, akin to. Hindi pa nga ubos yang sandamakmak mong pagkain pinagiinitan mo na agad ang pagkain ko."
Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng mapagtanto ko na tila mali ang inasta ko kanina. Dapat hindi ko dapat ginawa ang mga 'yon kahit gaano pa ako na-offend sa sinabi ni prof dahil sa pagreto niya sa kanyang pinsan.
Hindi talaga tama ang ginawa ko. Tengenee!
***
MAHIGIT Isang oras na akong naghihintay dito sa tapat ng elevator ngunit wala pa rin 'yong taong gusto kong makausap ng masinsinan. Almost two week na ng hindi ako nito pinapansin. Hindi ko siya makausap sa school maging dito sa condo ay ganoon din, tila sinasadya niya yata para hindi magtagpo ang landas naming dalawa.
BINABASA MO ANG
CSS2: The Desperate Woman
RandomFalling in love is great. It colors your whole world and makes your days inspiring. But for some reason, some people find it too scary. They decided it's to better hold part of their feelings. But not her-not Agatha Lohriet Caravantes. At dahil desp...