Chapter Twenty:
SINAG ng araw ang tumama sa aking mukha kaya ako napamulat. Agad akong napalunok ng maalala ko 'yong mapupusok na halik sa akin ni prof.
Wala na akong ibang matandaan sa mga nangyari kagabi kaya ako mabilis na bumangon at tinignan ang aking katawan. Nanlaki ang aking mga mata dahil wala akong saplot.
Tengene!
Dahan-dahan naman akong tumingin sa aking tabi, napatakip ako ng bibig upang hindi ako mapamura ng malakas, nang makita kong nandoon si prof.
Wala din itong saplot habang nakadapa, tanging itong kumot na pinagsasalohan namin ang siyang nakaharang sa kahubaran nito.
Kung ganoon ay may nangyari sa amin???
Napasabunot ako sa aking sarili dahil sa kagagahan ko, kung hindi na sana ako sumunod rito kagabi ay hindi mangyayari 'to. Dahil sa kalasingan ay nakagawa kami pareho ng pagkakamali.
Isa pa rin itong pagkakamali kahit pareho naming hindi ginusto ang nangyari, masyado akong nahumaling sa halik niya kagabi...ngunit alam ko sa aking sarili na lasing lang siya, kaya niya nagawa 'yon. At alam ko din sa sarili ko na imposibleng magawa 'yon ni prof dahil wala itong nararamdaman na kahit na anong pagtingin sa akin, at aminado naman ako do'n.
Siguro ay nangyari lang ang pagkakamaling 'yon dahil sa epekto ng alak o sa kalasingan.
Parang gusto ko ng itakwil ang alak, alak talaga ang sanhi ng pagkasira minsan ng pangarap.
Akma na sana akong bababa sa kama upang pulutin ang aking mga damit na nakakalat sa sahig nang bigla itong gumalaw. Agad akong napayakap sa aking sarili gamit ang puting kumot dahil nahila niya ito.
Hindi ako makapagsalita, parang nawala bigla ang boses ko dahil sa nangyari. I was afraid of what might happen...at ang daming 'paano' ang pumapasok sa isip ko sa mga oras na ito kung totoo ngang may nangyari sa amin.
Paano kung sa gabing 'yon ay may nabuo? Paano na ako? Paano kung mabuntis ako? Paano ako makakagraduate kung buntis? Paano kung nabuntis nga ako at gusto niyang ipa-abort? Paano ko 'to sasabihin kay mama? Paano na ang pag-aaral ko? Paano na? Sobrang daming paano!
Natigil ako sa pag-iisip ng muli itong gumalaw, and this time mukhang gising na siya. Sapo-sapo ang ulo nito ng bumangon na tila walang alam sa nangyari.
Bakas ang pagtataka sa mukha nito ng mapadako ang tingin nito sa akin. Ngunit kalaunan ay napamura ito.
"F*ck!" Muling mura nito.
"M-may nangyari ba sa atin?" Lakas loob na tanong ko rito.
Gusto kong malaman, gusto kong makasiguro. Gusto kong makompirma mula sakanya. Ayokong magisip ng bagay na wala naman akong kasiguradohan dahil wala akong natatandaan.
"Sabihin mo..." Usal ko.
Huminga muna ito ng malalim. "Believe it or not, but there is nothing happened between us last night."
"How can you be so sure, na wala ngang nangyari sa atin? Wala akong matandaan kagabi so please tell me the truth."
"Wala nga, okay? Don't be paranoid."
"Paanong wala? Eh, bakit pareho tayong walang saplot?"
Kailangan kong malaman ang totoo, ayokong mabuntis dahil graduating student ako...ayokong umakyat sa stage na umbok ang tiyan. Diploma ang kailangan ko, hindi mother's degree.
"I don't know? But I'm sure na walang nangyari sa atin, I was just dreaming last night kissing with a man...but when I realized that it was you, I've stopped." Paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
CSS2: The Desperate Woman
Ngẫu nhiênFalling in love is great. It colors your whole world and makes your days inspiring. But for some reason, some people find it too scary. They decided it's to better hold part of their feelings. But not her-not Agatha Lohriet Caravantes. At dahil desp...