Chapter Ten: Frat house partySATURDAY night na, ang bilis talaga ng oras. Buti nalang ni-ready ko na ang bag na dadalhin ko kagabi para gora nalang.
Tumingin ako sa suot kong wristwatch, may five minutes left pa ako bago makarating sa place kung saan kami magkikita ni Val. Walang iba kundi sa tapat mismo ng university na pinapasokan namin, doon ang tagpuan namin.
Pagdating ko parang wala pa si Val, kaya tumipa ako sa aking phone para itext ito kung on the way na ba siya.
"Agatha!" Nilingon ko ang tumawag sa akin.
"Lia?" Anas ko ng makita ko ito sa may gilid malapit sa may waiting shed, kasama nito si Val.
"Oh, alam ba ng parent mo na aattend ka sa party?" I asked when I approach her.
"Syempre hindi." Sagot nito. "Tumakas lang ako, gusto ko rin ma-try pumunta sa frat house party."
"Baka malaman ng daddy mo 'to, nako! Patay kang bata ka." I said.
"Don't worry kinunsaba ko sila manang na huwag akong isumbong kay daddy na umalis ako ng gabi, actually wala naman sila mommy at daddy do'n. Umalis, nasa cagayan." Paliwanag nito.
"Sure kang 'di ka isusumbong?" Paniniguro ko. Hindi naman sa ayokong isama si Lia, nagaalala lang ako sakanya at baka pagalitan siya ng parents niya kapag nalaman ng mga 'to na tumakas siya para dumalo sa isang frat house party.
"Hindi 'yon, naiintindihan naman ako ni manang. Tsaka, may tiwala ako do'n." Positibong turan nito.
"O'sha, sige. Sabi mo eh." Sabi ko.
"Sumakay na tayo ng taxi mga marsh." Sabat ni Val.
Nag-abang na kami ng taxi na masasakyan at nagpahatid sa location ng gaganaping party. Ang akala ko napakalayo nito, yon pala hindi naman ito kalayuan sa university kaya mabilis lang kaming nakarating sa lugar.
Pagbaba namin ng sasakyan, agad kong natanaw nang mag-angat ako ng mukha ang iba't ibang kulay ng liwanag...o mas maiging sabihin na dancing light sa loob. May naririnig din akong musika na nagmumula din sa loob.
Lumapit kami sa mataas na gate upang magdoor-bell, nagulat kami ng biglang may sumulpot na lalaki na mukhang bouncer dahil sa laki ng katawan nito. The folks!
"Asan ang black invitation niyo?"
Doon ko napagtanto na isa pala itong guard nang mapansin ko ang uniporme na suot nito. May hawak din itong batuta.
"Heto po..." Ipinakita agad ni Val ang black invitation.
"Heto 'yong sa akin." Sunod na nagpakita ng black invitation si Lia.
Kinuha ko naman sa loob ng dala kong bag ang invitation para ipakita rito. Kinuha niya ito sa amin at isa isang sinuri.
"Sige, pwede na kayong pumasok." Pinagbuksan niya kami ng gate matapos nitong suriin ang invitation na ipinakita namin.
Napalinga-linga ako sa paligid pagkapasok namin, na-amaze ako sa lawak nito at laki ng bahay, pwede na nga itong tawaging mansyon. Ang gandang tignan ng paligid dahil sa artificial candle lights na nakasabit at nakapalibot sa bawat puno na tila isang christmas decor, malinis din and well-trimmed ang bermuda grass sa maganda at malawak na bahagi ng garden. Dumako naman ang aking tingin sa isang kulay asul na spotlight na natutukan nito at may nakasulat na 'Casa De DOZ'. May flagpole din sa may gilid nito, isang itim na watawat ang nililipad ng hangin at may na naka-ukit do'n ng simbolo ng Dekta Omicron Zeta.
Huminto kami sa isang malaking two wooden door na may black varnish at accent na brass handle. May lalaking lumapit sa amin mula sa gilid na siyang nagbabantay siguro rito at hinarap kami bago pa man kami makalapit ng tuluyan sa may pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/175349507-288-k1545.jpg)
BINABASA MO ANG
CSS2: The Desperate Woman
De TodoFalling in love is great. It colors your whole world and makes your days inspiring. But for some reason, some people find it too scary. They decided it's to better hold part of their feelings. But not her-not Agatha Lohriet Caravantes. At dahil desp...