Chapter Eighteen: Parents
ILANG beses na ako pabalik-balik sa harap ng salamin habang may hawak na dalawang damit sa magkabilang kamay, at paulit ulit na tinitignan kung alin ba sa dalawa ang mas bagay.
Hindi ko na mabilang kung ilang dress na ba ang inilabas ko mula sa aking closet. Halos maubos na nga ang mga damit ko sa closet, but until now ay hindi pa rin ako makapili ng maisusuot.
Tiningala ko ang aking wall clock. Alas-dos na kaagad, ang bilis ng oras...kanina ay alas dose palang ng i-check ko ito. Dalawang oras na ang sinayang ko pero wala parin akong mapiling damit na maisusuot ko para mamaya.
I want to be presentable. Ayokong maging kahiya-hiya naman sa parents ni prof kirby...so my dress should be neat.
Pabagsak akong naupo sa kama. At simangot na tinignan ang aking nagkalat na mga damit.
"Ang hirap pala magpa-impress sa parent. Ano ba kasing isusuot ko?" Usal ko sa kawalan tsaka nahiga sa aking kama.
Ipinikit ko muna ang aking mga mata upang saglit na magpahinga, masyado akong napagod sa pagpili ng susuotin ko pero wala pa rin akong natipohan na isuot.
Haybuhay!
Bigla akong napamulat nang dahil sa tunog ng aking cellphone. Kaagad naman akong bumangon upang sagotin ito, tumayo ako at kinuha 'yon mula sa aking study table.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
"Be ready, after an hour ay nandiyan na ako para sunduin ka. Gusto ko nakabihis ka na pagdating ko." Kaswal na wika nito.
But my eyes widened as I realized what he said.
"After an hour? Alas-dos pa lang naman, ah? Maaga tayong pupunta do'n?" I asked.
"Anong alas-dos? Its already five oclock pm, miss caravantes. Wala ka bang relo?" Saad nito na ikinagulat ko.
Dali-dali naman akong lumapit sa may bintana at hinawi ang kurtina.
"Ay, tengene." Anas ko ng makita ko na papadilim na nga ang langit. At ng tignan ko ang orasan ay tama nga siya, alas sinco na. "So stupid, agatha. Bakit ka ba kasi natulog?" I murmured.
"What?" Tanong nito mula sa kabilang linya.
"Ang sabi ko maliligo na ako." I said.
"Okay... Bye!"
Halos lundagin ko na ang banyo nang putolin nito ang linya. Kailangan ko ng makaligo at mag-aayos pa ako.
Bakit ba naman kasi nakatulog pa ako? Akala ko idlip lang 'yon. Tengene talaga!
Binilisan ko ang aking paliligo, todo ang kuskos ko sa katawan para malinis na malinis ako. Inabot ko agad ang aking towel upang ipulupot sa aking katawan, tsaka ko inabot ang isa pa upang ibalot naman sa aking basang buhok.
Napasapo ako sa aking noo ng maalala kong wala pa nga pala akong napiling isusuot. Lumapit ako sa aking kama kung saan nagkalat ang aking mga damit at namewang do'n.
"Alin ba sa mga 'to?" Anas ko. "Bahala na nga..." I said as I picked the aqua pink floral offshie dress.
Bumalik ako sa banyo upang doon magbihis. Paglabas ko ay tinungo ko agad ang aking shoe rack at kinuha ang kulay peach na doll shoes. Lumapit ako sa salamin upang do'n isuot ang doll shoes na kinuha ko.
"Perpect!" I smiled nang makita kong bumagay ang suot ko sa aking doll shoes.
Ang problema ko na lang ay ang aking buhok. Basa pa ito at kailangan pang i-blower, balak ko pa naman sanang i-curl ng konte ang aking buhok ngunit wala na akong oras...baka dumating na si prof.
BINABASA MO ANG
CSS2: The Desperate Woman
De TodoFalling in love is great. It colors your whole world and makes your days inspiring. But for some reason, some people find it too scary. They decided it's to better hold part of their feelings. But not her-not Agatha Lohriet Caravantes. At dahil desp...