"Dalian mo gutom na ko!"
Andito nanaman kami ngayon sa bahay. Baliw kasi tong Jake na to eh. Wala na atang bahay kaya nakikisiksik dito.
Ayan pinagluto para may pakinabang hindi yung puro pang iinis lang sakin ang ginagawa niya.
"Wait lang naman! Ikaw kaya dito. Ang hirap kaya."
Aba aba aba! At nagrereklamo pa -__- Pero kanina pinagmamalaki niya pang magaling daw siya magluto. Talaga lang ha?!
"Ano ba kasi yang niluluto mo?" Lumapit ako sa kusina para tignan yung ginagawa niya.
"Sabi mo adobo to." Sagot niya ng hindi ako nililingon. Seryoso magluto?
"Adobo nga yan. Bakit ano ba yang gi--" Nagulat ako sa nakita ko pagkabukas ko ng kaldero. "na..wa..mo..?!"
Omg. Ano tooooo?!
Bakit? Bakit ganito?
Mukha tong sabog na manok T__T
Kawawa naman yung chicken.
"Bakit? Adobo naman yan ah!"
"Jake, hindi na pagkain ang tawag dito -.-"
"Ano na? Adobo?" Nagtatakang tanong niya sakin.
"HINDI NGA!" Galit nako. Nakakainis siya. Sinayang niya yung pagkain.
Hinugasan ko nalang ulit yung manok. Papaprito ko nalang to.
"Siguro naman marunong kana magprito?!" Baka naman prito na nga lang di pa nito alam.
"Oo naman! Tingin mo sakin tanga? Ilalagay ko lang yan sa mantika tapos babaliktad baliktarin ko na." Confident naman na sabi niya.
"Talaga lang ha..." Tapos inabot ko na sa kanya yung manok. Napalakas ata kasi tumama sa dibdib niya tas napa aray nalang siya.
Iniwan ko na siya sa kusina. Gumagawa pa kasi ako ng project.
Simula kasi nung kinulit ako nitong mokong na to, napapasok nako sa school lagi. Eh lagi niya kong sinasabay eh.
Pero medyo okay naman sakin kasi may bago naman akong kaibigan.
Nasan na kaya sina Blue at Crystl?
Namimiss ko na talaga sila.
"Aaaahhhhhh!!!!!!" O.O? Si Jake ba yun? Tumili ba siya? Hahaha! Sabi na eh. Foreigner din to eh.
Half filipino.
Half filipina. XD
Sinilip ko siya sa kusina. Baka naman kasi yung sarili na niya yung piniprito niya eh.
Nakita ko naman siyang hawak yung takip ng kawali. Gawin ba namang shield yun? Hahaha!
Pinapanood ko lang siyang magprito dun. Natatawa kasi ako sa itsura niya eh.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.