Jake's POV
Nagtagal kami ni Amber ng isang taon.
One year.
One year na mahal na mahal namin ang isa't isa.
One year kaming masaya.
Pero hanggang doon nalang yun.
Dahil umpisa palang,
Alam ko na kung ano ang mga mangyayari.
Nung una kong nakita si Amber, ang sabi niya nagpapakamatay siya nun. Eh hindi ko naman alam, kaya niligtas ko siya.
Aalis na sana ako nun. Kaso hinimatay siya bigla kaya bumalik ako at dinala siya sa ospital.
Matagal siya sa ospital.
Na comma nga siya ng hindi niya alam.
Isang linggo bago siya magising.
Habang natutulog siya, pinaliwanag sakin ng doktor ang kalagayan niya.
Meron na siyang isang napakalalang sakit.
Nakukuha daw yun sa depression at stress.
Nakapagpalala pa dun yung bisyo niya nung mga panahon na yun.
At pati narin yung mga gamot na iniinom niya dati.
Nagte-take siya ng ibat ibang gamot kahit walang reseta ng doktor.
At umabot na rin sa puntong na overdose siya.
Walang sintomas ang sakit niya. Maliban sa laging pagkahilo at madalas na nahihimatay.
Pero malala na siya.
Kaya binigyan na ng doktor ng taning ang buhay niya.
'One year. More or less. Hindi natin alam. Pero nakadepende parin dahil kung may mangyayaring himala, maswerte siya.'
Yan ang saktong sinabi ng doktor nun.
Dahil dun, naawa ako sa kanya.
Yun din ang dahilan kung bakit ako laging sunusunod sa kanya dati.
Nalaman ko pa, mag isa nalang pala siya.
Walang pamilya.
Walang kaibigan.
Kaya nagdesisyon akong maging kaibigan niya.
Ayaw man niya, nagpumilit parin ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero kakaiba yung nararamdaman ko sa kanya na gustong gusto ko siyang tulungan.
Naging close naman kami agad nun.
Lagi nga lang niya akong inaaway.
At nung unang beses na makita ko siyang tumawa, tumawa ng dahil sa akin, dun ko lang narealize, unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya.
Minahal ko si Amber.
Minamahal.
At mamahalin.
Gaano man kalayo ang pagitan namin.
Nararamdaman ko parin siyang nakayakap sa akin.
"Mahal na mahal kita Amber,
Hanggang sa kabilang buhay."
Hinalikan ko ang puntod niya,
Habang sinasabayan ng luha ko ang pagpatak ng ulan.
---- END ---
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.