CHAPTER 6
What the hell...
Meal ba ang tawag diyan? Isang mash potato?
Ngayon ko lang napansin, kanina pa kami dito wala pa pala kaming naoorder. Mga sira talaga.
At ano daw? Bayad na ni sir? Sinong sir naman yun? Si Blue kaya?
Napatingin ako sa lalaki sa may malapit na table na nakaharap sakin. Ngumiti siya sakin sabay iling na para bang may nakakatawa sa itsura ko.
The heck?
Sino naman yun? Bakit siya nakatingin sakin? Nababaliw na ba ang mga tao ngayon?
Wait... Sakin nga ba siya nakatingin?
Lumingon ako para tignan kung sakin nga ba siya nakatingin. Mamaya feeler lang pala ako.
Paglingon ko... wala namang ibang tao. Edi sakin nga siya nakatingin?
Pagkaharap ko bigla namang nawala yung lalaki kanina.
Anyare?
Aswang ba siya?
Mmm... Pero mukhang familiar siya sakin. Hindi ko nga maalala kung saan ko siya nakita.
Nainip ako sa paghihintay kaya tinake out ko nalang yung mash potato daw. Gulay lang naman yun na nilagyan ng gravy. Pinasosyal lang. Ayoko nun hindi kasi ako kumakain ng gulay eh.
"Te! Te! Palimos te! Piso lang te!" Paglabas ko ng Jollibee eto naman yung batang nangangalabit sakin. Grabe to mangalabit ha! Kung saan saan umaabot yung kamay. At kelangan talaga pagnamamalimos nangangalabit? Azar to ha.
"Tse wala akong pera. Dun ka manghingi sa nanay mo."
"Te naman!"
"Hindi mo ako ate!"
"Bakit hindi? Magkamukha naman tayo ah?"
"Duh?" Tinignan ko sya mula ulo mukhang paa. Okay lang ba siya?
"Tsaka hindi ka ba naaawa sakin? Wala pa akong kinakain simula kanina."
"So kasalanan ko pa na wala kang kinain?"
"Hindi naman sa ganun. Ang sinasabi ko lang ay sana naman maging maganda ang puso mo at maawa ka sakin." Tapos nagpa cute pa siya sakin.
Napangiti ako. Evil laugh. BWAHAHA >:D
Ngumiti ako sa kanya at nagbait-baitan na boses.
"Gusto mo ba ng pagkain?" Pinakita ko sa kanya yung dala kong mash potato. Gusto nya yan syempre gutom na yan eh. Namamalimos na nga lang alangan namang mag-inarte pa yan.
Parang nagliwanag ang mukha nung nakita niya yung hawak kong pagkain.
Tumango-tango naman siya.
"Ganito gagawin mo. Nakikita mo yung stage na yun? Akyat ka tapos kanta ka. Pag nagawa mo yan ibibigay ko sayo tong pagkain." Mwehehe.
"A-ano po?" Nagulat siya bigla at ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng lungkot.
"Ayaw mo? Sige ikaw bahala aalis na ako."
"Sandali!"
Nilingon ko siya at ngumiti. "Yes?"
Nanlulumo siyang umakyat sa stage at nanginginig ang mga tuhod.
Natatawa ako sa itsura niya.
Susunod na sana ako dun para pababain siya at sabihing joke lang. Eh nag jo-joke lang naman talaga ako ah! Malay ko ba na gagawin talaga niya. Siguro nga gutom na talaga.
Papunta na ako ng stage nang bigla siyang nag umpisang kumanta.
Kay tagal din na itoy kinikimkim
Kung sasabihin ba ay diringgin
Aaminin bang tinatagong lihim
Pag-ibig mo ang tangi kong hilingPara akong na estatwa sa kinatatayuan ko ngayon.
Parang isang pagsusulit
Na bawal mag bura
One-seat apart, walang kopyahan
Pag-isipang mabuti
Pagkat isang tanong lang namanTotoo bang yan ang kinakanta niya? O nananaginip na naman ako ng gising?
Namumuo na ang mga luha ko sa mata pero parang natatakot silang bumagsak.
Hindi parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon.
Gustong gusto ko nang umiyak.
Walang bawian, mamatay man
Period , no erase...Natapos na siyang kumanta at may ilan ilan ding tao ang pumalakpak sa kanya.
Hindi ko na namalayan ang paglapit niya sa akin at kinuha ang dala kong mash potato.
"Salamat po." Tapos tumakbo siya paalis.
"Sandali!" Napatigil siya sa pagtakbo at humarap sakin.
"Kunin mo to. Pasensya na kung pinagawa ko yun sayo ha. Hindi ko naman kasi--"
"Okay lang po. Pangarap ko rin po ang makakanta sa stage. Salamat po."
"San mo nga pala natutunan yang kantang yan?"
"Lagi ko lang pong naririnig. Bakit po?"
"Ah kasi... wala. Sige."
"Sige po salamat po ulit." Tapos umalis na siya.
Yun kasi ang... ang...
Theme song namin ni Erik.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.