CHAPTER 7

2K 39 0
                                    

CHAPTER 7

Yun kasi ang theme song namin ni Erik.

Siguro iniisip ninyong corny ang theme song namin.

Sorry naman.

Nung panahon kasi na sinagot ko si Erik, bigla yang tumugtog. Coincidence lang. Tapos kinanta niya sakin yung part na Walang bawian mamatay man, period no erase.

Tapos hinalikan niya ang kamay ko. At hinalikan niya rin ang labi ko.

Yun yung first kiss ko.

Tama yung sinabi ni Justin Bieber,

My first love broke my heart for the first time...

Yun ang dahilan kung bakit nabato ko yung maganda kong tv.

Siya ang first love ko.

First boyfriend.

First kiss.

First heartbreak.

At sa tingin ko hindi ko kaya ang mag move on.

Sa kakalakad ko, dito ako dinala ng mga paa ko sa part ng mall na walang tao. Wala namin kasing meron dito na kahit ano. Blank space lang talaga.

Doon ko binuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa dumating ang Aegis para bigyan ako ng background music.

Ayoko sana na ikaw ay mawawala
Mawawasak lamang ang aking mundo

Oo. Ayaw ko talaga. Ayokong mawala ka Erik. Miss na miss na talaga kita.

Ngunit anong magagawa
Kung talagang ayaw mo na
Sino ba naman ako para pigilin ka

Hindi. Hindi ko siya kayang pakawalan. Masyado ko na siyang mahal para dun. Obsessed na kung obsessed.

Sino nga ba ako? Ako lang naman yung taong mahal na mahal siya. At hanggang ngayon umaasa parin na babalik siya.

Ang halik mo, namimiss ko
Ang halik mo, namimiss ko
Bakit iniwan mo akoooo

"Ale, Ale! Nagriring po yung celphone niyo." Nagulat ako dun sa batang nagsalita. Pinunasan ko agad yung luha ko.

"Ay nagriring ba? Kala ko kasi background music eh."

Tumingin sakin yung bata na parang awang awa sakin. Tapos inabutan ako ng panyo. Aww. Sweet.

Umalis na yung bata at sinagot ko na yung tumatawag.

"Hello--"

"HOY AL! ASAN KA NA BA! DIBA SABI KO SAYO WAG KANG AALIS! BAT DI MO AKO HININTAY!"

Nilayo ko yung cp sa tenga ko. Akala ko si Crystl lang ang masakit sa tenga. Si Blue rin pala.

"Papunta na ako dyan." Sabi ko nalang at binaba ko na. Wala ako sa mood.

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon