CHAPTER 13

1.5K 33 0
                                    

CHAPTER 13

Kinabukasan, nagkita nanaman kami sa canteen. Sikat yung canteen namin sa story ko ha! Enebe.

Kasama ko si Crystl ngayon. Tapos nakita ko si mr. Cassanova daw. Naku lagot! May nasabi ata akong mali kahapon at ganyan nalang ang ngiti niya habang papalapit sakin.

Paktay. Tagtipid pa naman ako ngayon T__T

Bwisit naman kasi na red alert yan eh false alarm lang naman pala!

"Hi AL! Alam mo ba gutom nako. Kanina pa kita hinihintay. Tara?"

"Huh?" Emeged. Grebe. Kunwari wala akong narinig.

"Omg. Magkakainan kayo? I think I should give you some privacy. Ikaw AL ha, di ko alam ganun ka pala kabilis bumigay. Sige goodluck galingan niyo."

WHAT?! Napanganga ako dun sa sinabi niya ah. Sira ulo talaga yung babaeng yun.

Nakakaasar! Di man lang ako nala ungol. Ay este angal pala!

Hmmmmppff nahahawa na ko sa kabaliwan niya. Huhuhu.

Hila hila ako ni Sky sa pilian ng pagkain. Nakita ko kasi sa ID nya Sky pala pangalan nito. Ano langit lang ang peg?!

"I want this... and this... and this, and this."

Biglang lumaki yung mata ko. Parang luluwa na.

"Ganyan ka ba kalakas kumain?!"

Nanlulumo ako sa mga pinagtututuro niya. Wala pa naman akong kapera pera ngayon.

"Hindi naman, pero kelangan saluhan mo ko. Alangan namang kumain ako mag isa."

"Ha?! Pero kakatapos ko lang kumain."

"So? Edi kumain ka ulit."

Hayyss -___- Azar to ha. Pasalamat siya gwapo siya dahil kung hindi kanina ko pa to nasapak.

Yun nga tapos kumain na kami. Siya naman tong parang tanga titingin sakin tas tatawa. Baliw?

Hindi lang yun yung time na kumain kami. Paulit ulit ding nangyari yun. Madalas din kaming lumalabas. Nagde-date? Not really sure of it.

Pero nung isang beses, nung hinatid niya ako pauwi sa bahay, bigla niya akong hinalikan. Torrid kiss.

At pagtapos nun, pumasok ako sa bahay ng nakangiti. Naisip ko, siguro nga nagde-date kami.

Pagkabukas ko ng ilaw sa kwarto nakita ko yung picture namin ni Erik.

"Hoy Erik! Subukan mong wag bumalik ipagpapalit na talaga kita! Hehehe. Joke. I love you mwah mwah."

Kiniss ko yung picture niya.

Namimiss ko parin si Erik, pero mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon.

At nakatulog ako ng masaya.

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon