CHAPTER 24 (Part 2)

1.2K 28 0
                                    

Babalik na sana ako dun sa table ko para tapusin yung project ko nung may maamoy akong kakaiba.

Parang nasusunog?

NASUSUNOG?! OMG.

"Ahm, Jake.."

"Ano?!!" Humarap na siya sakin. Galet? -.-

"Nasusunog na ata yung manok."

"Hindi yan nasusu--" Nilingon naman niya yubg niluluto niya. Kulay itim na. "..nog na nga!!"

Nakita ko namang nataranta siya tapos inihip-ihipan yung apoy tas pinaypayan niya gamit yung apron.

Pati ako natataranta na. Pati yung apron nasusunog na. Tumalon talon naman siya habang pinapatay yung apoy sa apron.

Pinatay ko naman yung lutuan pati yung gas. Tapos binuhusan ko ng tubig.

Si Jake nagtatatalon parin at hindi parin niya napapatay yung maliit na apoy sa apron niya.

"Aaahhh!!! Ang inet! Ang inet!"

Kinuha ko yung pitchel dun sa fridge then binuhos ko sa kanya yung laman nun para malamigan siya. Ang init daw eh.

Nanahimik naman siya nun tas masama ang tingin sakin.

"Aba! Ikaw pa galit?!" Nag crossed arms ako. "Linisin mo yan!"

"Linisin pala ha." Tapos sinugod niya ako at niyakap.

"Ano baaaaa! Lumayo ka sakin ang dumi dumi mooo!"

Nagrarambulan nanaman kami dito sa bahay.

"Madumi pala ha. Yan bagay sayo." Tapos lumayo siya sakin at binuhusan ako ng toyo.

O____O???

"Hahahahahahaha!" Tawang tawa naman to habang tinuturo yung mukha ko. Nakaka asaaaar!

Kinuha ko naman yung suka at binuhos sa kanya.

"Hahahaha! Ang asim mo na pwede ka nang sinigang! Hahaha."

"Sinigang pala ha! Aadobohin naman kita..." Tas binato sakin yung paminta. Sira ulo talaga!

"Ang kapal mo naman eh hindi ka nga marunong magluto ng adobo!" Tas binato ko siya ng sibuyas.

Halaaaaaa. Natamaan ko yata siya sa mata. Tinakpan nalang niya yung mukha niya eh tapos di na siya gumalaw.

Lumapit ako sa kanya.

"Halaa. Huy sorry na.." Hahawakan ko na sana yung kamay niya para makita ko kung anong nangyari sa mata niya nang bigla niyang hawakan ako kaya napatumba ako sa sahig.

Siya naman ay nasa taas ko.

Ayoko ng ganitong scene -__-

Nag smirk lang siya sakin. Tinignan ko yung mata niya. Wala naman ah? Nagkukunwari lang pala siya!

"Panalo kana umalis kana diyan! Ambigat bigat mo eh!" Tintulak ko siya kasi ambigat talaga niya. Mommy T__T

Tinignan ko siya pero nakangiti lang siya sakin.

Naiinis na talaga ako.

"G*go ka ba---" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung dinikit niya yung labi niya sa labi ko.

Inalis din naman niya agad.

"I told you not to say bad words." Tapos bumangon na siya at nag umpisang maglinis ng kusina.

Omg.

Omg.

Smack lang yun...

Pero bakit ganun? Hindi ako makahinga.

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon