CHAPTER 23
Sinusundan niya ako lagi.
Kahit saan.
Mukha niya lagi ang nakikita ko.
Nakaka umay -____-
Kahit sa bahay pumupunta siya.
Feel at home lang ha!
"Ano ba kasing kaylangan mo?! Bat ba ayaw mo akong tantanan?!" Naiirita na ako sa kanya.
"Ouch. Ang sakit talaga." Tapos umarte rin siya na parang nasasaktan. "Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo ganyan lang igaganti mo. Wala man lang thank you ha. Grabe ka talaga."
"Edi thank you! Happy?!"
"Nope. Gusto ko yung sincere. Ayoko ng napipilitan lang. Kasi hindi naman ako napipilitan nung tinulungan kita eh."
"Eh sino ba kasi may sabi sayong tulunga mo ako?!" Naiinis na talaga ako.
"Ikaw. Sabi mo nga eh, heeelp... tulong... tulungan mo ko Jake."
Aba! At ang kapal naman talaga ng mukha niya! Kelan ko ginawa yun aber?!
"Aarrghhh! I hate you!"
"I love you too."
"Baliw!" Tapos binato ko siya ng lapis. Yun yung una kong nakuha eh.
"Ka!" Binato naman niya ko ng tsinelas. Baliw to ah?!
Yun nagbatuhan lang kami maghapon hanggang sa mapagod kami.
"Hahaha. That was great!" Hinihingal ko pang sabi tas sumalampak ako sa sahig.
"Yeah. Its great that you're laughing." Ehh?
Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang siya sakin.
Napangiti nalang ako.
Medyo okay narin sakin yung may asungot dito sa bahay. Nakakabwisit man siya,
At least hindi ako nag iisa.
Pero medyo lang ha. Wag feeler.
![](https://img.wattpad.com/cover/30177909-288-k409196.jpg)
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.