CHAPTER 15
Haaaaaayy. Ang sarap ng umaga.
Good morning april. Woohooo.
"Good morning ^____^" Halos lahat ng makakasalubong ko binabati ko. High na high ako ngayon. Hehehe.
Amg tagal mag break. Gusto ko ng makita si Sky.
"Blah.. blah.. blah.." Andaming sinasabi ng prof.
"Okay. Class dismissed."
"Yes!" Tumakbo na ako papuntang canteen and Im right. I saw Sky there waiting for me.
Lumapit ako sa kanya at bumati.
"Hi. kanina ka pa?"
"Nope. AL, I have something to tell you."
"Ano yun?" I smiled sweetly at him
Eto na ba yun? Sasabihin na ba niyang mahal niya ako? Gosh. Im so happy.
"I think... I love you."
Hinawakan niya ang pisngi ko at akmang hahalikan na ako pero bago pa mangyari yun, may binulong lang siya sa tenga ko.
"April fools." Tapos may mga nagpasabog ng confetti.
Parang nabingi ako sa narinig ko.
April fools? Grabe.
Narinig kong nagtatawanan yung mga tao sa paligid.
So yun pala yun? Ako pala ang target niya para sa april fools na yan?!
Kaya ba ginawa niya ang lahat ng yun para lang mapapaniwala ako?!
Sh*t!
"AL tara na." Naramdaman kong hinawakan ni Blue ang kamay ko at inilayo ako sa maraming tao.
Wow. So nagsilbi pa pala kaming isang show dito?
Kelangan kong maghiganti. At hindi na ako makapaghintay ng tamang oras para dun.
"Saglit." Bumitaw ako kay Blue at bumalik dun sa gitna ng maraming tao kung nasan si Sky.
"Oh honey! Hindi ka parin ba--"
"Sky, may lamok sa pisngi mo." At sinuntok ko siya ng malakas na malakas. Pinakamalakas na makakaya ko.
"Oops. Happy April fools!" Then I walked out. Narinig kong nagtatawanan yung mga tao.
"Sinusuntok na pala ang lamok ngayon? Hahaha!" Narinig kong comment nung isa. Kaibigan ata ni Sky.
"Shut up!" Narinig ko pang sabi ni Sky. Mukhang nainis siya sa ginawa ko.
Ha! Akala niya ha! April fools pala ha! Bwisit!
Andito nanaman ako sa kwarto.
Umiiyak.
Akala ko pa naman magiging maayos na ang lahat.
Akala ko pa naman magiging masaya na ako.
Bakit ba kasi kelangan pang masaktan pag nagmamahal.
Bakit kasi kelangan pag nasaktan ka paulit ulit pa.
Siguro nga ganun ako katanga.
Ang tanga tanga ko!
Bat pa kasi ako umasa.
Kung umpisa pa lang, alam ko na na isa siyang cassanova.
Hindi sila nagmamahal ng seryoso.
Bakit kasi pinapaniwala ko pa ang sarili ko.
Siguro ngayon ang saya saya na niya.
Dahil nadagdagan na naman ang listahan ng mga babaeng pinaiyak niya.
Bakit ba napaka tanga ko pag dating sa ganyan!
"Erik..." Nakita ko yung picture namin ni Erik sa side table.
"Bumalik ka na please... masyado ng masakit. Hindi ko na kaya."
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.