CHAPTER 2

3.2K 63 0
                                    

CHAPTER 2

At dahil nga hindi ko siya macontact. Pumunta pa ako sa kanila. Kaso pagdating ko dun...

"Ahm... Excuse me po. Andyan po ba si Erik?"

"Ha? Anong sinasabi mo iha?" Isang matandang babae ang bumungad sakin.

Medyo nilakasan ko ang boses ko. "Si Erik ho andyan po ba?"

"Sinong Cedrick?"

-__- Nilakasan ko pa ulit yung boses ko. "Erik ho!"

"Jerick?"

Dahil sobrang naiinis na ako, huminga ako ng malalim at...

"ERIK PO!"

"Anu ba iha wag mo nga akong sigawan hindi ako bingi. At isa pa sa tinagal-tagal ko ng nakatira dito hindi ko nakilala yang Derick na sinasabi mo! Nag-iisa nalang ako dito sa bahay."

"Ganun po ba. Sige po pasensiya na sa istorbo."

"Ayos lang iha basta ba't wag mo nang uulitin."

Umuwi ako nang nanlulumo at luhaan.

Erik... nasan kanaba?

Parang kahapon lang, sinabi mo pa sakin na mahal na mahal mo ko.

Joke lang ba yun?

Hindi naman tayo nag away ah?

May nagawa ba akong mali?

Pwede ko namang baguhin yun eh.

Sabihin mo lang sakin, gagawin ko yun para sayo.

Hindi ako magagalit sayo.

Hindi ako magtatampo.

Hindi narin ako magtatanong.

Pangako yan.

Bumalik ka lang sa akin.

Miss na miss na kita... Erik.


Nakatulog ako sa kakaiyak.

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon