CHAPTER 30

1.2K 30 0
                                    

CHAPTER 30

"Ano ba... hahaha... tama na kasi... nakikiliti nga ako... tsk haha..."

Natatawa ako sa kanya. Parang adik lang.

Nandito kami ngayon sa park. Nakaupo ako ngayon sa damuhan habang siya naman nakahiga sa lap ko. Uso daw ang sweet pag february eh.

Two months.

Two months na ang nakakalipas simula nung sagutin ko si Jake.

At three days nalang, magcecelebrate na kami ng second monthsarry namin.

Hindi na talaga siya umalis. Tinupad niya yung sinabi niya.

Kung bakit siya tumatawa, kasi kinikiliti ko siya. Lakas ng kiliti neto sa tenga. Hahawakan lang makikiliti na agad.

Hinawakan niya yung dalawa kong kamay para hindi ko siya makiliti.

"Huli ka."

"Suko nako." Ngumiti ako sa kanya at inabot yung kamay ko na magkadikit na parang poposasan.

Hinalikan naman niya yung kamay ko.

Kahit na magda-dalawang buwan na kami, kinikilig parin ako. Para bang kahapon ko lang siya sinagot. Yung ganong feeling. Haha.

"Amber Lynn..."

"Hmmm?"

"I love you."

Mas lalong lumapad yung ngiti ko. Feeling ko pa nga namumula nako ngayon. Anubayan! Kikiligin na nga lang ako sa harap pa niya. Nakakahiya.

"Ngingitian mo nalang ba ako?" Bigla naman siyang sumimangot sakin. Napakatampuhin talaga nito.

"Hahaha" Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya. Para siyabg batang ayaw bilhan ng lollipop.

"Ouch. Grabe ka. Tinatawanan mo lang yung pagmamahal ko para sayo." Nagdadrama nanaman to.

"Natutuwa lang ako sayo. Ang cute mo kasi!"

Nagpout naman siya. Anubayan parang nagpapacute lang talaga eh no.

"Hindi ko naman kelangan yan. Sabi ko kasi kanina I love you."

"Hahaha. Oo na. I love you too."

"Wag na! Ayoko napipilitan ka lang naman ata eh." Tapos nag side view naman siya ng higa.

"Halaaaa. Hindi naman eh. Na-ispeechless lang ako kanina."

Naramdaman ko naman siyang humikbi. Hala? Umiiyak?

"Halaaa. Uy sorry na. Totoo naman yun eh. Bati na tayo." Pinipilit ko siyang iharap sakin kaso pinipigil niya eh.

"Na-speechless lang talaga ako."

"Talaga?" Hayy. Buti naman at humarap na siya sakin. Umarte pang nagpupunas ng luha.

"Yep" Nag smile ako at tumango tango. Kung ibang tao siguro to, nasapak ko na kanina pa. Pasalamat siya mahal ko siya. Kaya ayan, pagbigyan!

"Bakit na ba na-speechless?"

Hmm... bakit nga ba?

"Kinikilig ka no... ayieeeee!!!" Para talagang tanga to. Hahaha.

"Ay bastos!" Nagulat ako nung bigla niya akong kiniliti sa kilikili.

"Hahaha! Kala mo ah. Bleh"

I stare at him. Yung nakamamatay na tingin.

Kiniliti niya ko ulit sabay takbo kaya ayun hinabol ko. Eh tumakbo eh! Nagtatakbuhan tuloy kami ngayon dito sa park.

"Aaaaahhhh!!!" Nahuli niya kasi ako tapos natumba kami at gumulong gulong sa damuhan.

Niyakap nalang niya ako ng tuluyan. Mahigpit na mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam.

Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Smack lang.

"Mahal kita Jake."

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon