CHAPTER 32
"Amber Lynn!" Lumapit sakin si Jake ng nakangiti. Phew. Mukhang hindi naman niya nakita yung nangyari.
Sasabihin ko ba? Nakwento ko narin sa kanya yung tungkol kay Erik dati kaya alam niya yun. Pero hindi naman niya kilala si Erik eh.
Nagi-guilty tuloy ako. Mas lalo akong nagmukhang cheater.
"Amber.. okay ka lang?"
"..."
Nagulat naman ako nung bigla niya akong kiniss sa cheeks.
"A-ah! Wala wala. Pagod lang ako. Tara uwi na tayo." Nauna na akong maglakad. Sumunod din si Jake sakin.
Alam kong nag aalala siya pero hindi nalang siya nagsalita.
Ghad. Bakit kailangang mangyari sa akin to.
Pagkauwi ko sa bahay.
Gabing gabi na.
Di parin ako makatulog.
Pa gulong gulong lang ako sa kama.
Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa party.
Pero alam kong kailangan kong pumunta.
--------------------------------------------------
"You look lovely."
Kinagabihan ng party. Nagkita agad kami ni Erik.
Andito nanaman yung feeling ba gustong gusto ko siyang yakapin.
Naiiyak na naman ako.
We're the king and queen of hearts
Hold me when the music starts
All my dreams come true
When I dance with you
"Shall we?" Inabot niya sa akin ang kamay niya at niyaya akong makipagsayaw. Tinanggap ko naman ito.
Promise me you're mine tonight
I've been waitin' lyin' tonight
While the lights are low
I'll never let you go
"AL" Napalingon naman ako sa kanya nung tinawag niya ako. Pati boses niya namiss ko.
Did I dream that we danced forever
In a wish that we made together
On a night that I prayed would never end?
Napatingin ako sa mukha niya.
Yung mga mata niya.
Yung matangos niyang ilong.
Yung labi niya.
Naaalala ko pa yung first kiss namin.
You know it's not my imagination
Or a part of the orchestration
Love was here at the culmination
I'm the king and you're the queen of hearts
"Sorry kung umalis ako." Pinabayaan ko lang muna siyang magsalita. Ayos lang Erik, matagal na kitang napatawad.
"Sorry kung hindi ako nakapag paalam ng maayos sayo."
"Sorry rin kung natagalan ako ng pagbalik. Habang nasa ibang bansa ako, ikaw lang ang laging iniisip ko." Ako rin. Ako rin lagi kitang hinahanap.
"I was planning to get married to you as soon as you turned 18. Una akong nagpropose sa mga magulang mo."
"Nagalit sila nun kasi wala naman daw akong ipapakain sa iyo. Hindi ko daw kayang bumuhay ng pamilya. Baka mapabayaan lang kita."
"Bago sila mamatay, I made a promise to them. Na babalik ako kapag maayos na ang buhay ko. Na babalik ako para sayo, para pakasalan ka."
Habang sinasabi niya ang mga yon sakin, hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko.
"Planado na ang lahat before they died. Nung nawala sila, gusto ko sanang wag nalang ituloy yung pag alis ko. Pero habang nakatingin ako sa puntod nila, naalala ko yung sinabi nila sakin."
"Kelangan ko munang maging karapat dapat sayo. Dahil kung talagang mahal kita, kelangang may plano ako para sa magiging pamilya natin. Kaya umalis ako. Alam kong nasaktan kita sa ginawa ko. Ni hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos. Sorry."
Umiiyak na talaga ako ngayon. Wala akong pake kung nasira na ang make up ko dahil sa luha.
Time will pass and tears will fall
But someday we'll both recall
Moments made of this
Golden memories
"Can you still give me a chance?"
Chance? Para san?
Para maging kami ulit?
Diba yun naman yung gusto ko?
Ang tagal kong naghintay.
Ilang gabi akong umiyak.
Lagi ko siyang hinahanap.
Hinihintay ko lang yung araw na bumalik siya sakin.
Ngayong nangyayari na,
Bat ganun? Naguguluhan ako.
Mahal ko si Jake.
Pero mahal ko rin si Erik.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Did I dream that we danced forever
In a wish that we made together
On a night that I prayed would never end?
"Mahal kita AL, mahal na mahal. Para sayo lahat ng mga ginawa ko. Please give me another chance."
You know it's not my imagination
Or a part of the orchestration
Love was here at the culmination
I'm the king and you're the queen of hearts
He kissed me on my lips. That very moment, alam ko na kung sinong pipiliin ko.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.