CHAPTER 22

1.3K 23 0
                                    

CHAPTER 22

Napagdesisyunan kong pumasok ngayon sa school.

Trip trip lang. Yun nalang naman ang dahilan ng pagpasok ko eh. Pag wala akong magawa.

"Siya yun diba?" Bulung-bulungan ng mga students sa paligid ko. Problema nila?!

"Hey! Dito ka pala nag aaral?" Nagulat ako dun sa biglang umakbay sakin.

"Ikaw nanaman?!" Siya nanaman? Nag uumpisa nanamang uminit ang ulo ko. Nakakainis talaga.

"Amber Lynn.." Napatigil naman ako sa narinig ko. Totoo ba to?

"Oh bakit? Anong nangyari?" Tanong naman niya sakin. Nagulat din siya nung bigla akong huminto.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo?" Hindi talaga ako makapaniwala.

"Oh bakit? Anong nangyari?" Okay -__- Pilosopo rin pala to eh no.

"Hindi yun. Yung bago pa dun."

"Amber Lynn?"

"What the-"

"Why? Binasa ko lang naman yung nasa ID mo ah. Bakit hindi ba ikaw yan?"

Ngayon lang nangyari to sakin. Hindi ko inakalang masarap palang pakinggan yung pangalan ko. Wala kasing tunatawag sakin nun. Bata palang ako AL na tawag nila sakin.

"Huy bakit ba kasi?"

I came back to my senses nung magsalita siya uli.

"Nevermind!" Then nagpatuloy nako sa paglalakad papuntang room.

Pagkaupo ko, nakita ko naman siyang umupo dun sa seat sa tabi ko.

"Sinusundan mo ba talaga ako?!"

"Siguro..." Tapos nagwink pa siya sakin. Nakakainis! Gusto ko ng tusukin yung mata niya.

Bigla naman siyang sumipol ng kanta. Mabuti na rin yun atleast di na niya ako kinukulit.

"Amber Lynn..." Ginawa naman niyang lyrics ung pangalan ko tas sumipol ulit. Baliw ba to?!

Pero honestly, masarap sa pakiramdam pag nababangit niya yung pangalan ko. Ngayon ko lang talaga narealize na maganda pala yung name ko.

Dismissal na. Pumunta ako sa tambayan ko at naglabas ng sigarilyo. Wala kasing tao dito eh. Ako lang ang nakakaalam ng lugar nato.

Sisindihan ko na sana ng biglang agawin sakin ni mr. epal yung sigarilyo ko.

"What-the-f..."

"Sshhhh. Dont say bad words." Nilagay niya yung pointing finger niya sa labi ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakapagsalita agad.

"You know, smoking is dangerous to your health." Tinapon niya sa sahig yung stick ng sigarilyo tas tinapakan.

"Gag--" I was about to curse him nung ipatong niya uli yung daliri niya sa labi ko.

Biglaan yun kaya na-out of balance ako pero nahawakan naman agad niya ako sa likod kaya hindi ako natumba.

Sobrang lapit na ng mukha niya sakin.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya napapikit nalang ako.

I heard him chuckle. "Stupid. I wont kiss you."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napadilat ako agad and I punched him.

Napatumba siya sa pagkasuntok ko pero tumawa lang siya. Baliw?!

"Strong girls punch hard." Tapos tumawa ulit siya.

"Fierce." Tumingin siya sakin at umiling iling bago tumayo.

Compliment ba yun? -__-

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon