CHAPTER 25
After nung nangyari. Tinuruan ko na lang siya magluto. Kawawa naman eh.
Ang yabang pa kanina. Kala ko naman talaga marunong siya! Hmpf -.-
"Hmmm ang sharaaaap!" Para namang bata kumain tong kaharap ko dito -.-
"Marunong pala ha." Then I smirked at him.
"Marunong naman ah. Ang sarap nga nitong niluto KO eh."
"Ang kapal! Baka tinuruan kita!"
"Kahit na ako parin nagluto niyan. Im so proud of myself. Bwahah-oho" Yan. Nabilaukan tuloy. Tawa pa kasi. Haha!
"Bleh. Buti nga."
Nung natapos akong kumain kumuha ako ng beer sa fridge. Marami kaya akong stock! ;D
"Anu yan?" Sumunod pala tong mokong nato sakin?!
Pinakita ko lang sa kanya yung dala ko. Siguro naman alam niyang beer yun. Napakabobo na niya kung hindi. Eh nakasulat kaya!
Kaso inagaw niya lang sakin yung beer ko. "Bawal sa bata yan."
"Ano ba ang epal mo! Hindi nako bata." Aabutin ko na sana kaso tinaas niya. Hindi ko na abot. Antangkad kaya nito. Kapre ata to eh.
"Eehhh.. ikaw ang baby ko" Sabay kindat. Eww!
"Tse manahimik ka!" Tapos tumalon ako para maabot yung beer.
Nahawakan ko na kasi ayaw talaga niyang bitawan.
"Ayaw mo talagang ibigay sakin yan?!"
"Ayaw."
"Edi wag." Tapos binitiwan ko na. Tumba siya pagkabitaw ko eh. Nag aagawan kasi kami dun.
"Kukuha nalang ako ng bago." Umalis na ako at kumuha ulit ng beer. Told you marami akong stock.
Nagulat naman ako pagkabalik ko. Asan na si Jake?
Tinignan ko kung nandun siya sa sala. And viola! Nandun nga ang unggoy.
"Hey Amber Lynn." Hayys. Tinawag nanaman niya ako sa pangalan ko. Umupo ako dun sa tabi niya.
"Cheers!" Yaya niya sakin. Mukhang nakaka isang shot palang siya pero para na siyang lasing.
"Akala ko ba masama uminom?!" Ayaw ako painumin tas siya rin pala.
"Eh ayaw mo bigay sakin eh! Edi sasamahan nalang kita. Cheers nga anu ba!"
"Cheers." Natatawa ako sa itsura nito. Hahaha!
Pagkaubos ko ng isang bote, naglabas pa ako ng marami.
"Handami nyaman nyan." Reklamo niya sakin.
"Pake mo?! Akin naman to eh."
"Hantok nakoh.." Jake
"Edi matulog kana! Bakla ka pala eh tumba ka agad." Nakakalimang bote pa nga lang to eh.
"Ako bading?" Jake
"Oo." Walang ganang sagot ko.
"Nagkagirlfriend na kaya ako!"
"Oh talaga? Eh anong nangyari?" Ngayon niya lang sinabi sakin yubg tungkol dito ah?
"Nagalit siya sakin. Nag away kasi kami nun. Akala ko nanglalalaki siya kaya yun--" Hindi na niya natapos yung sinasabi niya.
"Hindi ka man lang nag sorry?!"
"Hinde. Nahihiya ako magshorryyyy eh. Kung tutuusin may kasalanan din naman siya sa--" Pinutol ko nanaman yung sinasabi niya.
"Grabe ka! Ang sama mo! Syempre may feelings din kaming mga babae no. Hindi madaling magpatawad ng basta basta nalang. Ni sorry hindi mo man lang ginawa!!"
"..."
"Hoy ano ba---" Hindi ko na din natapos yung sasabihin ko nung nakita ko siyang tulog na.
Grabe naman. Bagsak agad?
Kinumutan ko nalang siya kasi kahit paano may awa parin ako sa puso no!
Ako nalang yung umubos nung mga natitira pang bote.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.