CHAPTER 21

1.2K 31 0
                                    

"Imbis na magpasalamat ka inaway mo pa ako. Dyan ka na nga. Thank you ha!"

Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya. Iyak lang ako ng iyak.

Nakita kong paalis na siya.

Then everything went black.

-----------------------------------------------

Ospital.

Nasa ospital nanaman ako.

Lagi nalang.

Napatingin ako sa lalaki na nakatulog sa tabi ko sa pagbabantay.

Si Blue ba to? Parang bigla akong nabuhayan ng loob.

"Blue?"

Nagising ata siya nung nagsalita ako. Pag angat niya ng ulo niya napasimangot ako.

Siya nanaman -___-

"Anong ginagawa mo dito?"

"Yan kana naman eh. Dalawa na utang mo sakin ha. Thank you lang naman hinihingi ko tapos ganyan ka pa :("

Aba! Siya pa may gana ngayong magdrama ha?!

"Umalis ka na. Kaya ko na ang sarili ko." Nakakainis kasi ang pagmumukha mo!

"Wee? Hindi ako naniniwalang kaya mo na sarili mo no. Nagpapakamatay ka nga eh."

"Edi wag ka maniwala! Bakit ba ang epal mo lagi ha!"

"Grabe ka naman. Ang hard mo sakin." Nakakainis talaga siga. Asaaaaaaar!

Hanggang sa makalabas ako ng ospital, nandun siya.

Hindi daw siya aalis hanggat hindi ako nagpapasalamat sa kanya. Asa!

Akala ko hanggang sa bahay susunod siya. Nakahinga naman ako ng maluwag nung umalis na siya. So umuwi ako mag isa.

Pero bakit ganun? Pagkapasok ko sa bahay parang bigla akong nalungkot.

Mag isa nanaman ako.

Di na bale. Lagi naman eh. Sanay nako.

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon