CHAPTER 27

1.2K 29 0
                                    

CHAPTER 27

Ang aga umalis ni Jake. Wala tuloy akong kasabay sa school. Hindi man lang nagpaalam.

Hindi kaya iniwan narin niya ako?

Hindi. At kung iwan man niya ko, ihahanda ko na ang sarili ko ngayon palang. Para pag nangyari yun hindi na ganun kasakit.

Dapat magpasalamat nalang ako dahil naging part siya ng buhay ko at kahit pano naging masaya naman ako.

Ay, oo nga pala! Hindi pa pala ako nakakapag thank you sa kanya. Lagi pa naman niya akong kinukulit tungkol dun. Hindi daw siya aalis hanggat hindi ako nagpapasalamat sa kanya.

Nung una, ayaw ko talaga magpasalamat. Inis na inis kasi talaga ako sa kanya nun eh. Pero nung tumagal, ayoko na mag thank you kasi, baka umalis na siya pag ginawa ko yun.

Natatakot lang naman ako na maging loner ulit.

Pero naisip ko, hindi pala dapat.

Handa nako sa kung ano mang mangyari.

Kung aalis din siya at iiwan ako gaya ng iba, tanggap ko na.

"Gagawin ko na ba talaga? Kinakabahan ako."

"Ano ba pare! Bakla ka ba?!"

Narinig kong may nag uusap sa may  garden. Dito kasi ang daan ko eh.

"Game. Phew."

Sumilip ako para tignan kung sino yun. May pagka chismosa kasi ako eh. Malay niyo gagawa pala sila ng krimen.

"Pare hindi ko talaga kaya. Huhuhu." Nakita ko si Jake na may dala ng bulaklak.

"Bakit ba nagkakaganyan ka? Ang torpe mo naman!"

"Natatakot ako kay Amber eh. Baka barahin lang ako nun. Pahiya pako."

"Ano ba yan magpakalalaki ka naman!"

"Oo nga!" Hindi ko na napigilan kaya nakisali nako.

"Ang torpe mo. Pag inaaway moko ang kapal kapal ng mukha mo. Tapos pag mamahalin mo na ko pahiya hiya kapa!" Nakangiti kong sabi habang lumalapit sa kanya.

"Oops. Exit muna ako ah. Babay." Tapos umalis yung kasama ni Jake.

"Para sakin ba yan?" Tapos kinuha ko yung bulaklak na hawak hawak niya. Nakatulala lang siya sakin halatang gulat na gulat. Haha!

"Crush mo pala ako?" Naubo naman siya sa sinabi ko.

"H-ha?!"

Anubayan! Bingi o nagbibingi-bingihan lang?

Umupo ako sa tabi niya.

"Sabihin mo nga, balak mo na akong ligawan ngayon no?" Nakita ko naman siyang nag blush.

Kahit ako kinikilig eh. Malay ko bang magkakagusto sakin to?

Napakamot nalang siya sa ulo niya.

"A-ano k-kasi..." Hindi na niya matuloy yung sasabihin niya.

"Okay. Payag ako. Just make sure na magugustuhan ko yung gagawin mong panliligaw ha?" I winked at him. Nganga siya eh.

"Una nako sa room ha? Hindi ka pa ata kasi tapos ngumanga. Bye." Then I kissed him on the cheeks. Namumula yung mokong. Hahaha!

Sino ba naman kasi ang mag aakalang ang isang Jake Villegas na napaka kapal ng mukha ay isa palang... TORPE? Wow diba?

ANG KWENTO NG BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon