CHAPTER 1
'Break na tayo.'
You know you want me
I know you care
Just shout whenever
And I'll be there
You are my love
You are my heart
And we will never ever be apart'Break na tayo.'
Andito ako sa kwarto. Si Justine Bieber yung kumakanta. Ewan ko nga kung bakit yan ang palabas sa maganda kong tv eh.
Gabing gabi na pero hindi parin ako makatulog.
Are we an item? Girl quit playing
We're just friends, what are you saying
Say there's another and look right in my eyes'Break na tayo.'
Tinignan ko ulit yung huli niyang text sakin.
My first love broke my heart for the first time
And I was like baby, baby, baby ohh...And that's it.
"Aaaaarrrghhh!!!!!"
Bugsh
Blag
Kabum
Krrrrr
Nagwawala na yung tv.
"AL! AL! Anong nangyayari?! Buksan mo ang pinto! AL!"
Katok sila ng katok. Anlakas pa ng katok parang magigiba na yung maganda kong pinto.
"Bukas yan." Spongebob pa naman ang design nun. Tsk. Kawawa naman si Spongebob ko.
"Ay bukas ba? Bukas naman pala eh. Kala ko naka lock. Akala mo din diba? Hehe." Narinig kong sabi nila nung papasok ng maganda kong kwarto.
"Kyaaaaaaaaahhhh!!!!!!" Si Crystl yan. Napaka ingay. Palibhasa walang vowels ang pangalan. Para siyang nakalunok ng mike.
"What... the...hell..." Siya naman si Blue. Pero ang favorite color niya ay green. Kung bakit, hindi ko rin alam. Kahit siya di niya rin alam.
Sila ang bestfriends ko.
Hindi ko rin alam kung bakit.
Hehe. Joke lang.
"AL... A-anong nang yari?" Iginala nila ang kanilang paningin sa loob ng aking magandang kwarto at mukhang shock sila.
Ginaya ko ang ginawa nila at shock rin ako.
Napahgulgol nlang ako ng iyak at isinubsob ang mukha ko sa kama.
"Ganun nalang ba yun? Ganun lang ba kadali yun? Wala man lang 'sorry' o 'thank you' ?! Ni wala nga siyang dahilan kung bakit! Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari! Akala niya ba ganun lang kadali yun?!"
Hindi ko na mapigilan. Its been 3 days simula ng matanggap ko ang message niyang yun.
'Break na tayo.'
Halos gumuho ang mundo ko. Sinubukan kong tawagan siya pero...
Wala pala akong load.
Kaya nagpaload ako.
Kaso nasayang lang ang load ko.
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Bawat salitang naririnig ko parang sinasaksak ako.
Bakit ganun? Pag iba naman yung tinatawagan ko, nakakainis lang pag hindi macontact.
Pero pag sa taong mahal ko na, masakit pala. Ansakit sakit. Ngayon niya lang nagawa to sakin. Ngayon ko lang siya hindi macontact eh. Sobrang sakit pala.
BINABASA MO ANG
ANG KWENTO NG BROKEN HEARTED
Teen FictionIniwan ako ng taong pinaka pinaka pinaka mamahal ko. Kung siya lang ang tanging kaligayahan ko, maging masaya pa kaya ako? Ako nga pala si AL, Ang babaeng broken hearted. At ito ang kwento ko.