Nikki's POV
Time check: 5:30 PM
2nd Day of Practice.
2nd day na nakikita kong may mga awkward atmosphere at dahil yun sa mga collab na pinagmatch ni Tin. Masalaw no?
May collaboration din yan si Mino ng Winner. Requested yung collaboration nila ng mga students. Nice choice kasi para sakin, bagay yung boses nila sa isa't isa. Galing mag-rap ni Mino tapos ang ganda ng boses ni Cristin at I can see naman sa practice na nag-eenjoy sila sa performance nila.
Coffee break naman kami kaya kanya-kanyang kwentuhan kami ngayon. Kasama ko ang pangets at ang Got7 ngayon kasi nagpapraktis sina JB at Ashley para sa collaboration nila.
Buti nga at hindi nagseselos si Sunggyu. Ang nagseselos pa nga ata ay si Josh. Kasi naman inaasar nila na bakit daw magseselos si Sunggyu e alam naman nilang ang ka-close daw ni JB ay si Tin pero guys secret lang to ha? May past si JB at si Ashley dati. Kaya isa sila sa mga awkward sa lahat ng nandito.
"Guys alis muna ako ha." sabi ni Tin samin kaya tumango na lang kami.
Sinundan ko nang tingin kung saan pupunta si Cristin at nakita kong paalis siya sa Auditorium kaya nagpaalam ako sa kanila na aalis muna rin ako.
Cristin's POV
Papunta ako sa room ngayon dahil may nag-text sakin na pinapapunta raw ako ni Teacher Sy sa room.
Kakapagtaka bakit sa room? Walang tao ngayon sa building namin kasi lahat ng tao dito dismissed na. Pagabi na rin.
"Teacher nandito na po ako." sabi ko nang makapasok ako sa room pero bakit walang tao? Pinagloloko ata ako o baka naman nakaalis na.
Aalis na sana ako nang biglang magsara ang pinto. Hinawakan ko naman ang pinto pero pagpihit ko naka-lock ito sa labas.
"May tao ba dyan? May tao dito please pakibuksan!" Ayoko dito. Buksan niyo na parang awa.
"Guys naman oh! Huwag magprank sakin ng ganto alam niyo namang takot ako sa ganto!" Ang dilim dito ayoko dito. Please buksan niyo na please.
"Please naman oh! Buksan niyo na parang awa niyo na!" Nag-crack na ang boses ko dahil sa takot. Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.
Maya-maya na lang may biglang gumalaw sa likod ko humarap naman ako at nagulat ako kasi may mga ipis at daga. Napasigaw ako at umakyat ako sa upuan katabi ng pinto.
"Daga! Ipis! Alisin niyo na ko dito! Ayoko dito!"
"Tulungan niyo ko! May tao dito!"
"Josh nandyan ka ba? Nandito ako!"
Sigaw lang ako nang sigaw. Nawawalan na ako ng lakas kaya napayakap na lamang ako sa mga binti ko at humikbi.
"Ayoko dito. Please. Ang dilim dito. Wala akong kasama. Nasan kayo mga kuya ko? Pinsan ko? Pangets? Kaibigan ko? Josh? Nasan kayo? Tulungan niyo ko dito."
"Josh natatakot na ko."
Bakit kasi pagkabasa ko ng text iniwan ko sa bag ko ang cp ko? Bakit kasi iniwan ko bag ko? Ang tanga mo kasi Cristin Chua!
Hindi ako makagalaw ng ayos para humingi ng tulong dahil takot ako sa daga at ipis. Tapunan niyo na ako ng butiki huwag lang daga at ipis.
Sana nandito ka Josh. Sana hinahanap mo ko ngayon. Kailangan kita Josh.
Hindi ko na kaya. Ang dilim na.
Jongin, I hate you so much hanapin mo rin ako.
BINABASA MO ANG
Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)
FanfictionCan they fix their broken relationship? Or they choose to move-on? Ano kayang mangyayari sa kanila? Happy ba? Sad ba? "Just let me go" Ang sakit marinig no? Lalo na at mahal niyo yung isa't isa pero kailangan niyong mag-give up sa relationship niy...