Josh's POV
Tapos na ang practice at lahat kaming mga sasayaw at kakanta para bukas sa Anniversary Concert ay nasa Restaurant nina Kris hyung.
Korean Restaurant ito nina Kris hyung. Pinaka-sikat na k-restaurant.
Nagyaya lang bigla si Cristin. Para raw bukas maganda ang gising. Kasi favorite namin dito dati kumain. Wala lang, masarap kasi dito.
"Hanggang bukas ko na lang ba makakapiling ang Bigbang?" Nanlulumong tanong sa amin ni Cristin.
"Oo Cristin kaya bukas sulitin mo na." pang-asar naman tong si D.O.
"Hindi maaari! May connections parin ako! Nandiyan ang Winner at iKon! YG family tapos nandiyan ka pa oppa!"
Nagtawanan naman sila at ako? Pangiti-ngiti. Siyempre naman mawawala na ang kaagaw ko. Wala na si Taeyang.
Kala niya ba hindi ko mahahalata na may gusto siya kay Cristin? Nagkakamali siya. Kaya ko ngang isa-isahin ang may gusto kay Cristin dito.
Si Xiumin, Luhan, Aish! Huwag na nga. Nainit lang dugo ko.
Iisa lang naman yung gusto ni Tin. Ayun ang magandang isa-isahin.
Si Josh, si Josh, si Josh.
"Pero guys may sasabihin sana ako sa inyo lalo na sa EXO, Infinite at sa pangets." seryosong sabi ni Cristin. Lahat naman kami ay naghihintay ng sunod niyang sasabihin. Ano naman yun?
"Nililigawan ako ngayon ni-" Napaubo naman sila habang ako ay tumayo at hinila siya bigla.
"Usap tayo sa labas." cold kong sabi sa kanya. Adrenaline ko na ata kung bakit ko siya hinila bigla.
"Ano ba Josh nakain pa ako. Mamaya na lang at teka nga lang bakit ang sungit mo na naman?" sabi niya habang hinihila ko siya.
"Sumunod ka na lang. Ano ba!" Tumahimik naman agad siya.
Nang makarating kami sa garden ng restaurant nina Kris hyung, dumada na naman siya.
"Uy Josh bakit?"
"Ano naman yun Cristin Chua? Nagpapaligaw ka sa ibang tao?"
"HOY JOSH MONTEVERDE! BAKIT KASI HILANG HILA KA LAGI? HINDI MO AKO PINAPATAPOS LAGI SA MGA SASABIHIN KO LAGI!" sigaw niya naman.
"HOY CRISTIN CHUA! MAGTAKA KA KUNG PARANG WALA AKONG PAKIELAM SAYO!"
"BAKIT KA BA NAGAGALIT?"
"BAKIT KA NAGPAPALIGAW?"
"PAKIELAM MO?"
"KASI GUSTO KITA! MAHAL KITA!"
Nagulat naman ako at bigla bigla siyang magwawalk out. Ano naman yun? Naeksena pa ko!
"Hoy hoy hoy! Bakit ka aalis?" Hila ko sa kanya pabalik.
"Kakain? Ano ba! Gutom pa ako."inis na sabi niya.
"Pagkatapos mo kong galitin aalis ka na agad?"
"Malamang! Tanga mo kasi lagi!"
Ano? Ako tanga?
"Sinong tanga ha?"
"Ikaw sino pa ba! Nangjojoke lang ako kanina. May paghila hila ka pang ginawa!"
"Seryoso ka ba dyan?"
"Oo. Alam na alam mo namang hindi ako nagpapaligaw kung kani-kanino at for your information lang ha sayo lang yata ako nagpaligaw!"
"So bakit hindi ka nagpapaligaw sakin ngayon?"
BINABASA MO ANG
Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)
FanfictionCan they fix their broken relationship? Or they choose to move-on? Ano kayang mangyayari sa kanila? Happy ba? Sad ba? "Just let me go" Ang sakit marinig no? Lalo na at mahal niyo yung isa't isa pero kailangan niyong mag-give up sa relationship niy...