CHAPTER 14 - REMINISCING MEMORIES

586 27 1
                                    

Josh's POV

Nandito parin ako sa room ni Tin at hindi pa siya nagigising. Masyado kasi siyang pagod.

General practice na namin ngayon at bukas na ang Anniversary Concert. Wala kahapon ang Bigbang kaya hindi nila alam ang nangyari kay Cristin. May inasikaso sila pero bukas nandito na ulit sila.

Maya-maya may kumatok at pumasok. Si Kai pala.

"Josh kumain ka muna ng breakfast ako na muna dito."

Alam ko naman na kahit ayun yung sinabi niya, iba naman ang pakay niya. Alam kong gusto niyang siya muna ang magbantay sa pinsan niya. Kaya umalis muna ako sa kwarto ni Tin. Umiyak kahapon si Kai. Nakakabakla siya. Joke lang.

Kai's POV

Ang himbing ng tulog niya. Mukhang anghel. Kapag tulog lang. Kapag naman gising mukhang nevermind.

Hindi ko alam ang mga nangyayari ngayon sa kanya. Kaya minabuti ko na lang sabihin ang mga nangyari kay Cristin sa pamilya niya.

Alam kong magagalit ang barkada sakin pero hindi ko na kayang magsinungaling sa kamag-anak ko. Lalo na at lagi akong kinukulit ni Edsel hyung. Hindi na ako mabibigla kung isang araw, biglang dumating si Edsel hyung sa Pilipinas at mas lalong hindi na ako mabibigla kung papauwiin ulit nila ang pinsan ko sa Korea and this time, sasama na ako kung sakali mang mangyari yun at mas lalong hindi na ako magtataka kung magagalit sa akin si Tin.

"Hoy Jongin." Nagising na pala siya. Hindi ko namalayan.

"Hoy Cristina."

"Ano ba yan Jongin! Umagang-umaga! Bully!" Ako kasi nagpauso nung Cristina. Ayaw niya raw noon pang-matanda raw.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya at mas ginulo ko ang buhok niya.

"Hindi man lang ako kinamusta tungkol kahapon." Drama nito.

"Bakit pa kita tatanungin e alam ko namang ok ka na."

"Thank you sa concern mo mahal kong pinsan." sarcastic niyang sabi sakin.

"Welcome mahal kong pinsan." Kung alam mo lang kung anong ginawa ko kahapon baka pagtawanan mo ako.

"Tse umayos ka nga." sabi niya sabay tayo at pumuntang restroom sa kwarto niya. Naglakad naman ako sa may pinto ng restroom at kinausap pa rin siya.

"Seryoso na Tin. Ayos ka na ba?"

Hinintay ko naman siyang makalabas sa restroom. Nang makalabas na siya sinagot niya tanong ko.

"To be honest Jongin. Hindi ako okay." Seryoso siya sa sinabi niya habang nakayuko.

"Trauma?" sabi ko na lang.

"Hindi dahil sa trauma na ako Jongin. Alam mo bang kahapon nung nandoon ako sa room, naisip ko rin kung sino kaya ang gumawa nito sakin. Kaya hindi ako okay Jongin kasi may mga tao palang ayaw sakin to the point na sinasaktan na nila ko physically."

Napa-buntong hininga siya at bakas sa salita niyang nalulungkot siya kaya mas lalo akong na-guilty sa ginawa ko. Sana pala hindi ko na tinanong.

"For sure Tin insecure lang yun sayo."

"Pero hindi e alam niya yung mga weakness ko." Anong connect naman nito?

"And then?" Hindi ko siya ma-gets.

"Feeling ko kilalang-kilala niya ko."

Slow ko ba o talagang lutang lang ako? Hindi ko talaga siya gets.

Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon