CHAPTER 16 - THAT PLAN THOUGH

610 26 2
                                    

Cristin's POV

This is it! Anniversary Concert na!

Medyo maaga pa naman mga 4:30 AM pa lang. Maaga lang talaga ako gumising ngayon kasi gagawa ako ng breakfast para sa kanila pero dapat may isa akong katulong. Sorry na lang kung naistorbo ko ang kanyang mahimbing na tulog.

Pagkatapos matapos ang agenda ko, lumabas na ako sa kwarto ko at pupunta na ko sa kwarto niya.

"Hey wake up. I need your help." gising ko sa kanya pero walang epekto. "Hey wake up." this time, may kasamang hampas pero umungol lang siya at tinalikuran ako.

Mga lalaki talaga. Umupo ako sa kama niya at ginising gising pa siya. "Josh naman. Please."

Ginising gising ko pa siya. Nagulat na lang ako kasi bigla siyang humarap sakin at yumakap kaya napahiga ako sa kama niya. Chansing na to ha!

"Tanggal tanggal naman po kapag may time!" Sabi ko pero walang epekto kasi mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap sakin. How I miss him.

"Bakit mo ba ko ginigising? Ang aga-aga pa kayaz Ikaw ha namimiss mo na agad ako." asar niya sakin habang nakapikit parin at walang pinagbago kahit inaantok, mayabang parin ang mokong.

"Gagawa ako ng breakfast for us. Kailangan ko ng katulong so ikaw ang ginising ko at pwede bang pakitanggal na ang yakap at chansing na to?"

"Tss. Kung alam mo lang ang ginawa mo kahapon no? Bigla-bigla ka ring yumakap sakin so chansing ka rin sakin kahapon? Nabawi lang ako ngayon" Kahit madilim alam kong nakangisi yan sakin ngayon at dahil sa sinabi niya namula agad ako.

Dapat talaga hindi mo yun ginawa Chua!

Para makaiwas sa sinabi niya change topic ako. "Tsk. Tatayo ka ba o hindi?" Sabi ko sabay pilitang tinanggal ang pagkakayakap niya sakin at natanggal ko naman. "Okay fine matulog ka na. Si D.O na lang gigisingin ko."

"Alam mo bang ang dami kong naiisip na lutuin? Tara na. Exciting super! Ay wait lang CR muna ako!" biglang tayo niya sa kama niya at bilis-bilis tumakbo sa CR niya.

Shet. Josh Monteverde ayun parin ang weakness mo e no?

Habang hinihintay siya, umupo muna ako sa kama niya at nagkalikot ng study table niya. Nag-aaral pala to kahit minsan e no? Kaya pala 1st honor nung wala ako. Ngayon 2nd na lang ulit siya nandito na ulit ako e. Kidding.

Bigla naman siyang lumabas sa restroom niya at bigla ako hinila palabas.

"Tayo na gumawa." sa sinabi niya ewan ko kung bakit ako namula. Maya-maya pa ay na-realize niya ang sinabi niya at tumingin sakin ng nang-aasar.

"Ng breakfast." patuloy ko na lang sa sinabi niya at siya naman ay tawa lang nang tawa.

Habang nagluluto si Josh ng breakfast, ako ay nakaupo lang sa sofa.

"Hoy sabi mo tulungan? Bakit nakaupo ka lang diyan?"

"Kaya mo na yan. Magaling ka naman dyan." Napailing-iling lang siya at ako ay tumayo na para tulungan siya. Ang ginawa ko naman ay nagsaing na ako ng kanin.

"Bakit mo ba naisipang gumawa ng breakfast?" tanong niya pa habang nagluluto.

"Masaya kasi ako na marami tayo ngayon sa SP room. Family na tayong lahat kaya gusto ko yung first breakfast nila dito gawa ko este gawa natin." sabi ko na lang sa kanya. Tumango-tango naman siya sakin.

"At para naman sa first bonding natin kasi simula ng dumating ako, wala pa tayong bonding together." habol ko at nakita ko namang ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako.

Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon