Chapter 11.2 - INTRAMURALS

544 33 2
                                    

Cristin's POV

Habang hindi pa nagsisimula yung game nila, pasimple kong tiningnan ang cellphone ko.

Tinatawagan ko siya pero hindi siya nasagot. Baka kasi nagsisimula na ang game nila.

Dito kami nakapwesto sa unahan kung nasaan ang coach nila siyempre pa- VIP kami dahil ako ang President at kasama ko ang Bigbang.

Nag-start na ang game nila kaya hiyawan na sa Auditorium. Nakikihiyaw na rin ako para hindi ako masyadong halatang walang puwang sa mundo ngayon.

"GO EXO!" Ayun na lang ang sinisigaw ko kaysa naman isigaw ko lahat ng pangalan nila. Konti lang naman ang EXO sa basketball.

Ang naglalaro ngayon sa EXO ay si Jongin, Baekhyun, Chanyeol, Lay at siyempre si captain na si Luhan.

Bale kasama ko sa bench ngayon yung mga hindi naglalaro sina Kris, Chen at yung iba pang Seniors.

Magaling din sina Kris at Chen halinhinan sila sa EXO na nasa court ngayon. Kasama ko rin si D.O at Suho dito sa bench actually katabi ko si D.O ngayon.

Hindi sila nag-player ngayong Intrams. Si D.O dahil busy siya masyado sa work niya at si Suho dahil Vice President siya at katulong ko siya sayang pa naman kasi nasa archery siya.

Si Sehun kasi iba ang sports niya Runner siya. Si Xiumin ay sa Soccer. Si Tao ay swimming. Ang Infinite naman Baseball lahat except kay Woohyun. Walang sports si Woohyun ngayon at dahil Ass. Vice President siya kaya busy din siya at focus daw siya ngayon sa studies niya.

Lamang ngayon ang Seniors kaya masaya ang mga katabi ko ngayon pero heto ako hindi mapakali at naasang maganda ang laro ni Josh ngayon.

Magaling din ang Juniors. Sikat din ang mga yan. Sino ba ang tao sa school ang hindi nakakakilala sa Got7? Ang kukulit ng mga yan laging perwisyo sa akin lalo na si Bambam.

Ang naglalaro sa Got7 sa basketball ay sina Bambam, Jr., Youngjae, Yugyeom, at Mark. Si JB ay sa soccer at si Jackson ay sa Fencing naman.

Naging ka-close ko ang Got7 dahil kay JB. Si Jb kasi ang president ng 3rd yr. officers kaya lagi ko yang kasama sa mga meetings.

Nasa Auditorium din si Jackson para i-cheer sila pero nasa kabilang side siya ng court dahil 3rd yr. mga kasama niya sa pag-cheer. Nag-text sakin si JB na ngayon laban niya against Seniors din. Kinakabahan daw siya kay Xiumin pa lang.

Ginagawa ko ang best ko para mag-focus ako sa game pero ang nasa isip ko talaga ngayon kung ano na ang nangyayari sa field.

Kwento nang kwento sa akin si D.O pero hindi ako nakikinig. Tanging tango lang ang nagagawa ko kapag nagtatanong siya sa akin. Tingin ako nang tingin sa cellphone ko nang kunin sa akin ni D.O ang cellphone ko sa kamay ko.

"Hoy ano ba! Akin na nga yan!" sabi ko sakanya habang inaabot ko ang cellphone ko na hawak hawak niya.

"Ano bang meron dito at tingin na tingin ka?" sabi niya sa akin habang tinitingnan ang cellphone ko.

"Wala." sabi ko na lang habang malungkot. Naalala ko kasi talaga siya e.

"Ito na nga." sabi niya sa akin sabay abot ng cellphone ko.

"Cristin are you alright?" Nagulat ako na si GD na pala ang katabi ko ngayon.

"Oo naman."

"Are you sure?" sabi niya ulit. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya.

Mukhang hindi siya convince sa sagot ko pero pinabayaan niya na lang ako.

Nagtime-out ang Seniors.

Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon