CHAPTER 9 - USAPANG KPOP

943 39 6
                                    

Cristin's POV

Hindi ako nakatulog ng ayos dahil masyadong maraming nangyari kahapon kaya ngayon lutang ako sa pag-aayos ng school para sa Intrams sa Monday. Gawa kasi nila ang galing galing mang-asar!

"Hoy Cristin!" sigaw nitong katabi ko.

"Kapreng gwapo!" sa gulat ko napasigaw ako at mas malala, nagtinginan lahat ng tao sa Quadrangle! Bakit kasi lagi nila akong ginugulat? Buti na lang hindi ako inaatake sa puso!

"Kanina pa ako daldal nang daldal dito tapos ngayon sinabihan mo pa akong kapre! Pero okay lang may bawi ka naman sa dulo gwapo. Yieee! Si Tin may crush sa akin!" Ang hangin ni Chanyeol oppa.

"Assuming siya o! Nagulat lang ako!"

"Kahit naman hindi mo aminin alam ko namang may pagnanasa ka sa akin" sabi niya habang tumingin sa malayo at iiling-iling. Sumasakit ang ulo ko sa kapreng ito.

"Humangin bigla Chanyeol feel mo ba?" tanong ko sakanya with matching yakap sa sarili ko. Niyakap niya naman ako.

"Na-feel mo na ba ang hotness ko?" Kailan niya babawasan ang pagkahangin niya? Manang-mana sa EXO. Magsama-sama sila.

"Mas lalong lumamig! Ibili mo na lang ako ng kopiko 78 sa vendo machine at ako ay inaantok pa please." Umalis siya at kita ko namang papunta siyang vendo machine. Effective charms ko ngayon kahit lutang. Ganda ko talaga.

Habang hinihintay ko si Chanyeol, nanonood ako sa mga taong natulong sa paggawa ng mga designs para sa stage yung iba naman kinakabit yung mga flag bawat year at yung iba naman nagawa ng mga banner para sa mga susuportahan nila sa Intramurals. Hassle week for us indeed.

Sitting pretty ako ako dito. Inaantok pa kasi talaga ako kaya hindi ako makatulong sakanila. Lahat ng players ay wala dito dahil sa training nila kaya lahat ng barkada ay wala rito. Napadaan lang ata si Chanyeol dito kaya nanggulo sa akin. Player yun ng basketball tapos kasali pa siya sa banda ng school. Drummer siya don pero ang galing rin niya mag-guitar. Super talented.

Papunta na si Chanyeol dito sa bench na inuupuan ko habang dala-dala yung pinabili ko. "Oh Cristin." inabot niya sa akin yung kopiko 78. Asawa ko si Sehun. Oh Cristin.

"Thank you bae!"

"Welcome bae. Mauna na ako at may training pa kami baka magalit na si Luhan hyung at nagpabili lang siya sa akin."

"Ok bye!" Tumakbo na siya papalayo sa akin.

Iniinom ko na yung inumin ko habang naglalakad papuntang SP room. Wala akong magawa sa Quadrangle. Lahat naman ng gagawin nasabi ko na sa lahat ng tao doon. Hindi ako tumutulong kasi ayaw nila akong patulungin. Ewan ko ba sa mga yun at huwag na raw akong tumulong, ako ay isang masunuring bata kaya sinunod ko na sila.

Pagpasok ko sa SP room, kinuha ko ang gitara ko sa kwarto at dinala ito sa living room. Ako ay kakanta na lang dito.

"Loving you it's easy cause you're beautiful
Making love with you is all I want to do
Loving you I see your soul come shining through
Making love with you is all I want to do
La la la la la
La la la la la
La la la la la la la la la la la
Dubidumdudum
Ahhhhhhh"

Napatigil ako sa pagkanta nang may pumalakpak galing pinto at si Mrs. Sy na adviser namin lang pala. Yes pwedeng pumasok ang mga teacher namin dito sa loob ng SP room pero minsan lang sila napunta rito kapag kailangan nilang kausapin ang mga officers.

"Ma'am Sy kanina pa po ba kayo diyan? Sorry po hindi ko po narinig." biglang tayo ko at siya ay pinaupo sa tapat ko.

Nakakahiya naman. Promise hindi ko pinaparinig ang boses ko kapag nakanta sa iba maliban sa barkada at family ko!

Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon