{PLAY NIYO YUNG NASA MULTIMEDIA}
Ashley's POV
Lahat kaming barkada ay nasa Auditorium na. Simula na kasi ng performance ni Cristin, pumunta na kami dito. Aba hindi sapat ang TV para mapanood ang first performance ni Tin at sa una niyang pinerform na solo, grabe ang hiyawan. Angelic voice indeed tapos yung collab niya with Mino na "See you on Friday", Gosh! They slay! Ewan nga namin kung bakit kami kinikilig. May chemistry kasi kahit papaano pero siyempre mas lamang si Josh. Oo na lang.
Ang galing talaga ni Cristin. Ang galing din ni Mino. Ang gwapo niya! Huwag niyo akong isumbong kay Sunggyu ha? Mahal ko yun.
Puro feels pa rin ang mga tao dito kahit tapos na yung performance with Mino.
Maya-maya lang ay dumating na si Mino sa pwesto namin at wala kaming ginawa kung hindi magtilian ulit. Inaasar naman siya ng boys.
"Mino! Lagot ka kay Josh hyung!" May apir apir ka pang nalalaman."
"May chansing ka ha!" Tawa lang kami nang tawa nang mapansin kong wala si Josh sa amin.
"Wait, nasaan si Josh?"
Baka naman hindi nakayanan ang selos at umalis muna.
"May tumawag lang daw, babalik daw agad siya." Kai
Nagsasalita si Mr. Tito Principal ni Cristin sa stage ngayon at aabutin pa ng mga 30 minutes bago ang next performance kasi nagpe-prepare pa raw si Cristin at Taeyang for their performance.
Sayang talaga wala silang performance ni Josh.
Josh's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng Auditorium kasama si Taeyang. Ewan ko ba kung bakit ako pinapunta dito.
"Bakit mo ko pinatawag?" Okay lang naman kung maging cold ako dito diba? May karapatan naman ako diba?
"Josh you need to go to the dressing room now--"
"At bakit? Para hindi ko mapanood ang performance niyo ni Tin? Para solo mo siya?"
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya, nonsense lang naman.
Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko.
"Alam mo kung iyon lang pala sasabihin mo sakin, uuna na ako sa Auditorium." Paalis na ako nang mapalingon ako sa sinabi niya.
"Tinutulungan na nga kita ganyan pa ang inaasal mo. Tss."
"Ha?"
"Ikaw ang ipagpeperform ko sa duet namin ni Cristin."
"What?" Anong pinagsasasabi nito?
"Tinutulungan kita sa pangliligaw? Or something like tinutulungan lang kita."
"Bakit mo to ginagawa?" Baka naman kasi may kapalit itong pagtulong niya.
"Because you deserve it?"
Ewan ko pero sa sinabi niya napangiti na lang ako at pumayag na lang sa planong gusto niyang mangyari.
Papunta na kami pareho sa backstage.
"Hoy Taeyang!" Tawag ko sa kanya habang naglalakad kami.
"Makasigaw ka naman!" Inis na sabi niya.
"Ano lang thank you na lang sa plano."
Ngumiti na lang siya sa sinabi ko at nagtuloy na lang kami sa paglalakad.
Tinext ko muna ang barkada na kunwari umalis na ako dahil may emergency. Sinabi ko na rin sa kanila na alam naman ni Cristin na umalis ako kunwari. Para naman maniwala na agad sila.
BINABASA MO ANG
Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)
FanfictionCan they fix their broken relationship? Or they choose to move-on? Ano kayang mangyayari sa kanila? Happy ba? Sad ba? "Just let me go" Ang sakit marinig no? Lalo na at mahal niyo yung isa't isa pero kailangan niyong mag-give up sa relationship niy...