CHAPTER 4 - AT SP WITH

1K 46 0
                                    

CMRS NOTE:

Thanks for reading and adding this story to your reading list! Enjoy reading.

(MULTIMEDIA: CRISTIN WITH KAI)

-------

Chanyeol's POV

Sobrang tahimik dito at nakakapanibago alam niyo ba iyon?

Mukhang wala akong mga katabing nakakain ng plaka! Hayst.

Si Cristin lang pala ang makakapagpatahimik sa mga ito. Mga natakot ata kahapon sa kanya.

Kakapanibago kaya itong si Chua! Ang taray! Baka may period or talagang nagbago na nga talaga siya?

Mabigyan nga ng maraming napkin! Joke lang mga readers, baka isumbong niyo ako bibigyan ako non ng maraming sapak!

Kain lang kami nang kain dito nang biglang ibagsak ni Ashley ang kanyang kutsara't tinidor. Problema nito?

"Guys ano ba? Hindi ba kayo mag-iimikan? Ano ba ang mga problema niyo?" Tanong ko, tanong niya rin. Gaya gaya.

Lahat kami ay nakatingin lang sakanya.

Si Ashley kasi yung taong minsan lang dumaldal kaya kapag siya na ang nagsalita o nagalit lahat nakikinig. Tumayo si Cristin at paalis na nang biglang magsalita si Kai.

"Diyan ka naman magaling e sa mang-iwan."

Kailan pa natutong humugot ang isang to? Influence talaga o!

Sehun's POV

Sobra talagang naapektuhan si Kai sa pag-alis ni Cristin sa bansa ng walang paalam.

Alam niyo ba kung bakit?

Bukod kay Kris hyung na laging sinusunod ni Cristin, ang pinaka- close naman niya sa amin ay si Kai dahil sila ay magpinsan pero walang nakakaalam sa buong school na magpinsan silang dalawa maliban sa amin ng EXO, Ashley at Nikki. Pati nga yang gagong si Josh, hindi niya alam na magpinsan yung dalawa. Kaya noong umalis si Cristin nagkagulo si Kai at Josh sa loob ng Campus. Intense fight. Kala ni Josh may kinalaman si Kai sa pag-alis niya.

Minsan pa nga noong si Josh at Cristin pa, nagseselos si Josh kay Kai sa closeness nila ni Tin. Baka raw may lihim na pagtingin si Kai sa kanyang girlfriend.

Ayaw kasi naming sabihin na magpinsan sila sa iba dahil masyadong sikat si Kai at Chua para ma-expose ang kanilang personality at marami ring fans sila. KaiTin couple daw tapos basta marami pa pero siyempre mas sikat yung couple nina Josh at Chua. Wifi X Bluetooth. Ang corni but sweet.

"Wala kang alam para husgahan ako" sabi ni Cristin habang nakatingin kay Kai.

"Edi ipaalam mo nang malaman ko Cristin Chua! Pakshet lang! Mahalagang mahalaga ka sa akin alam mo yan! Pero anong ginawa mo?" padabog na tumayo si Kai at umalis na habang si Cristin ay halatang paiyak habang minamasdan ang pag-alis ng pinsan niya.

Cristin bakit ba kailangan mong magbago?

"Guys, SP room now." Sabi ni Kris hyung.

Sumunod naman kami kay Kris hyung agad-agad.

Ang SP ay tawag sa sariling room namin dito sa Campus. May kama, kusina at iba pa basta total package na mukhang bahay talaga. May pagkalaki rin kasi marami kaming nakatira dito.

Kris POV

Pinapunta ko sila rito dahil gusto kong matapos ang kaguluhang ito. Ayaw kong nagkakaaway kami.

Pagdating namin dito dederetso na sana si Cristin sa kanyang kwarto nang pigilan siya ni Nikki.

"Cristin just stay here!"

"Guys please! I need to rest!" sigaw niya sa amin nang hindi lumilingon. Halatang nag-crack yung boses niya.

"Nikki just let her rest. Look namumutla siya o" sabi ni Ashley.

Oo nga namumutla siya. Okay lang kaya siya?

Nagtuloy si Cristin sa kanyang kwarto.

She needs space.

Alam kong may problema siyang tinatago at aalamin ko iyon.

Cristin's POV

Hindi ko na kayang maging ganito.

Hindi ko na kayang makita silang nasasaktan.

Ayoko ng maging cold, mataray, walang puso sa mga taong mahalaga sa akin at sa mga taong nakapaligid sa akin.

I want to be real again. Feeling ko tuloy napaka-selfish ko.

Unti-unting bumuhos ang aking luha.

Hindi ko namamalayan na napapapikit na ang mata ako.

Chen's POV

"Okay lang kaya si Cristin?"

"Guys, may lagnat ata yun."

"Putlang-putla siya kanina baka napano na yon"

"Puntahan ko kaya sa kwarto niya?"

"Feeling ko umiiyak yon don"

Puro ito yung mga sinasabi namin ngayon dito sa living room sa sobrang pag-aalala kay Cristin. Wrong move naman kasi si Kai eh!

"Sa tingin ko may tinatago talaga siya atin." biglang sabi naman ni Kris hyung. Ano naman yung tinatago niya?

"Ano naman iyon?" sabi ni Nikki habang nakataas ang kilay.

"Yung pag-alis niya sa Pilipinas baka --"

Hindi na natuloy ni Kris hyung ang pagsasalita nang putulin siya ni Nikki.

"Umalis daw siya sa bansa kasama ang kuya Edsel niya gawa raw ng business nila ayon tapos!" iritang sabi niya kay Kris hyung.

Business?

Aba't bagong buhay si Cristin ngayon a! Big word!

-------

Ano kala niyo magpo-pov na si Josh no? Pabitin ba? Oo na promise! Sa next UD na talaga! Nandoon na siya. Promise ko yan sa inyo!

-CMRSALCEDO

Thanks for reading! <3

Please

Vote

Comment

Share

Their Broken Relationship (IU and Myungsoo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon