I was hiatus for a couple of days huhuhuhu pasensya na talaga ha. Medyo busy lang kasi ako sa school. Hope you'll enjoy this update!
~*~
Napahawak ako sa templo ko at dahan dahang hinihilot ito. Di ko na ata kaya ang maksama ang lalakeng ito araw araw. Unti unti kasi siyang nagbabago. Mas lalo niyang dinidikit ang sarili niya sa akin. Mas lalo siyang naging touchy na feeling niya close na close na kami. At dahil sa nangyayari, mas nagagalit si Savannah sa amin pero wala siyang pake!
At nung nangyari nung nakaraang linggo? Oh f-ck! Hindi ko iyon maialis sa isip ko. Kinabahan ako sa nangyari. Binulubaog ni Adam ang isip ko! Mukhang iyon ata ang unang pagkakataon na si Adam lang ang palaging laman ng isip ko at hindi si... Tyler.
“Are you okay, Rien?” tanong ni Adam at bigla akong hinawakan sa balikat.
Agad ko naman itong inalis at tumango.
“Yes, so stop bothering me. Just damn focus on the teacher.” Ani ko at sinubukan na ring makinig sa aming professor.
Kinuha ko rin ang notebook ko at nagkunwaring nagsusulat ng notes para hindi na ako gambalain pa ni Adam. Ayaw ko lang na parati niya akong pinapansin dahil hindi ko na alam kung paano kumilos sa harap niya. Dahil pagnakikita ko ang mukha niya ay naalala ko ulit kung gaano iyon naging mas malapit noong nakaraang araw. At mas nakakainis rin dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari.
“Ok class, there would be some changes in this block section.” Ani ng aming Prof.
Agad namang nagsibulungan ang mga blockmates ko. Napailing na lang ako. Sanay na ako sa mga pagbabagong iyan. Naranasan ko na ata ang lahat ng pagbabago. Pagiging mabait, brutal, mapagmahal ay ewan.
“Ano po iyon, Miss?” tanong ni Mia ang aming class president.
“There’s a new transferee in this block at galing siyang Los Angeles. Actually sa ibang block sections ay may mga new transferee din at nanggaling sila sa ibang bansa katulad ng Korea, Canada at New Zealand. Kaya maswerte kayo at kasama kayo sa napiling section na magkakaroon ng exchange student.” Ani ni Miss.
Agad naman naexcite ang mga kaklase ko. Tss, para lang sa isang transferee ganoon na sila kung makapagreact? Ang OA.
“Now, I’ll assign the president to be the tranferee’s tour guide when he comes next next week.” Ani ni Miss.
Tss, in 2 weeks pa pala ang dating ng tao pero ang davance ng announcement. Ito namang si Mia kinikilig dahil lalaki daw ang transferee student. Tinanong pa sa professor kung gwapo ba or hindi. Sus.
“He’s a filipino citizen, duon lang talaga siya nanirahan simula nung bata pa siya.” Ngisi ni Miss.
Mas lalo paag kinilig ang klase dahil sa sinabi ni Miss. Napabuntong hininga naman ako at inubob ang ulo sa lamesa ko. Wlaang kwentang paguusap.
“Hey, Rien. Lunch na.”
Tinaas ko ang ulo ko at nakita ko si Adam na nasa harapan ko at ngiting nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi na pinansin pa. Tumayo na ako sa upuan at kinuha na ang bag ko.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...