BASAHIN ANG AUTHOR'S NOTE PAGKATAPOS BASAHIN ANG UPDATE
~*~
You weren’t just a sky to me, you were my damn whole sky.
You were never meant for me but I guess fate is on our side and decided to give us a chance. A chance that can make our lives memorable, together. Came across countless of glitches that made our realationship more solid. We were a pain in the ass but a perfect combination to make other lives blissful. We also cried a thousand tears to prove our absolute love to our love ones.
It was inevitable.
We exchanged promises that will lead us a greater future together. To live and love forever until our hair grows white.
We promised to grow old togther with the help of destiny. I promised.
You promised.
“Everything will be okay. Let’s just pray that Tyler is safe.” Ani ni Nathan.
Tumango naman ako at napakagat labi. I closed my eyes and thought of all the good posibilites. Gusto ko mang umiyak at humagulgol sa harap nilang lahat pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong ipakita na malakas ako kahit na sa loob ay basag na basag ako.
Sana nga lang ay nasa mabuting kalagayan si Tyler. Sana.
Nasa iisang sasakyan kaming lahat ni Nathan, Tito Alfred at Tita Tanya. Gusto ko mang lapitan si Tita Tanya pero hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit ang yakap niya kay Tito Alfred habang umiiyak. Katulad ko ay nagaalala rin siya kay Tyler.
“Sir, andito na po tayo.” Ani ng driver.
Nauna akong lumabas ng sasakyan at agad tumakbo kung saan pinangyarihan ang pagsabog. Nagkumpulan rin dito ang mga medical volunteers, pulis at bumbero. Marahas kong silang tinulak para hanapin si Tyler sa gitna ng mga tao. Please, wala sanang nangyari.
“Tyler!” sigaw ko habang lumalapit pa rin sa pinangyarihan ng pagsabog.
Nang makarating na ako ay bigla akong napatakip ng bibig ng makita ko ang mukhang abong sasakyan ni Tyler na nahulog sa bangin.
“Tyler!” sigaw ko at aaksyon na sanang baba ng bangin para icheck kung andun pa si Tyler pero agad akong pinigilan ni Nathan.
“Xyra...”
Bumuhos na ang luha ko habang pumipiglas. Nasaan si Tyler? Bakit parang wala naman akong nakikitang Tyler dito sa eksena? Bakit?
“Nathan! Nasaan na si Tyler? Buhay siya hindi ba? Hindi naman siya nasali sa pagsabog hindi ba? Nasa ospital na siya ngayon hindi ba? Nagpapagaling? Tama ba ako?” tanong ko.
Tama. Siguro sinugod na kaagad si Tyler sa ospital kaya wala siya rito ngayon. Kanina pa ata nangyari ang pagsabog dahil hinupa na ng mga bumbero ang sunog na sasakyan ni Tyler. Siguro nakatalon si Tyler sa labas ng kanyang sasakyan kaya hindi siya nasali at galos lang ang kanyang natamo.
BINABASA MO ANG
His Gangster Queen
Teen FictionCompleted [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will interfere in there almost perfect story? READ "HIS GANGSTER PRINCESS" FIRST BEFORE CONTINUING. Book...